Advertisers
SUMAILALIM sa isang reorganization ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) ni Vice President Sara Duterte.
Nilinaw ito ng AFP matapos na umugong ang mga balitang binuwag na umano ang mismong security detail ni VP Sara.
Sa inilabas na pahayag ng AFP, hindi binuwag ang VPSPG at nilinaw na nagsagawa lamang sila ng adjustments sa hanay nito kung saan pinalitan at ginawa na rin itong “AFP Security and Protection Group” (AFPSPG).
Binigyang-diin din ng hanay ng AFP na ang hakbang na ito ay aprubado ng Department of National Defense (DND) para sa layuning pag-isahin ang Security and Protection group nito.
Samantala, iginiit din ng AFP na mas makakatulong ito para matiyak ang proteksyon ng Pangalawang Pangulo hindi lamang sa ngayon ngunit hanggang sa mga susunod pang opisyal.