Advertisers

Advertisers

Notoryus Crime Group timbog sa Bulacan

0 6

Advertisers

Huli sa isinagawang buy bust operation ang notor-yus na lider ng Mangoda Crime Group at tauhan nito na sangkot sa iba’t-ibang krimen sa Barangay Grace Ville, City of San Jose Del Monte, Biyernes ng gabi April 4 2025.

Sa report na tinanggap ni PRO3 Director BGen. Jean S. Fajardo, kinilala ang mga naaresto na sina alyas Nassep Mangoda, 22, lider ng Mangoda crime group; at alyas Tipie, 26, na sangkot sa gun-for-hire activities, gun running at illegal drug trade sa karatig bayan sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay OIC PNP Provicial Director? Col. Franklin R. Estoro, 9:10 ng gabi ng isagawa ang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek.



Nakuha sa operasyon ang 8 plastic sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P136,000.00, dalawang kalibre .45 na pistola na isa dito mayroong Serial No. 1263688 na puno ng live ammunition.

Agad dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga nakumpiskang baril para isailalim sa ballistic examination.

Samantala, paglabag sa R.A. 9165 at R.A 10591 ang isasampa na kaso laban sa mga suspek na kasalukuyang nakaditine sa custodial facility ng San Jose Del Monte City Jail.(Thony D. Arcenal)