Advertisers
KAMAKAILAN ay nagpakita ng resibo yung Ale sa CityHall ng Maynila, ay susmaryosep, kung sa isang bahay, puro repair lang, walang gaanong bago at kung mayroon man, mga dating programa at proyekto noon ni dating Yorme Isko Moreno Domagoso, noong siya ang alkalde, 2019-2022.
Sa Housing, yung dating iskwater, nakatira sila sa Basecommunity; Binondominium 1; at sa Tondominium 1 & 2 at sa magagarang Residences sa Pedro Gil, San Lazaro, San Sebastian.
Mala-condominium ang housing unit na ito, de-aircon, de elevator pa, at ang daming amenities.
Pinakamatindi ang naipakitang Bilis-Kilos ni Yorme Isko noong pandemyang COVID sa larangan ng HealthCare, eto: Sta. Ana Dialysis Center, Bagong Ospital ng Maynila, Flora Valisno Dialysis Center.
At ang serbisyo ng mga dialysis center na ito ay nagseserbisyo maging sa mga dialysis patient na taga-labas ng Maynila, ay ganyang ka-compassionate ang Moreno administration noon.
E ngayon, bahala na si Batman.
Eto ang nakagugulat, 52 days lamang, sa halip na 60 days, naitayo, nakumpleto ang Manila COVID-19 Field Hospital, amazing at pwedeng maitala sa Guinness Book of World Records!
Ang daming nailigtas na buhay ang ospital na ito, at kasunod, mabilis na nag-procure si Yorme ng mga modernong ambulansiya, vaccine freezers (sa Sta. Ana Hospital), at ang COVID-19 free RT-PCR and rapid testing.
Yung serbisyong Drive thru vaccination open na dinayo ng mga taga-Bulacan, Cavite at ng mga taga-Laguna.
At eto pa, Ale na malapit nang umalis sa CityHall, alam mo yung COVID-19 ayuda and xmas packages, at ang pamamahagi ng mga Food Packs.
Tapos, mayroong Manila infectious Disease Control Center; Free Quarantine accomodation for OFWs at ang naitayong Pres. Corazon C. Aquino General Hospital at door-to-door vaccination ng mga bedridden patients.
Kung ang ibang LGUs ay di malaman kung saan kukuha ng gamot, unang nakakuha si Yorme Isko, salamat sa malaking tulong ni Dr. Willie Ong, agad may COVID-19 medicines na Tocilizumab, Remdesivir, Bexovid, at Molnupiravir.
At ang COVID-19 mass vaccination sa Manilenyo at sa mga taga-labas ng Maynila.
Sa agad-agad at mabilis na kilos ni Yorme Isko — at saksi rito ang Ale sa Cityhall –, natanyag ang Maynila sa buong bansa sa maagap na kilos laban sa pandemyang nagligtas ng libo-libong Pilipino.
***
Sa larangan ng Edukasyon, madadaig ba ang Maynila sa panahon ni Yorme Isko, hindi po, kasi…
May monthly allowance ang nasa Grade 12, at mga enrollees ng Pamantasang Lungsod ng Maynila (PLM) at ng Universidad de Manila (UDM).
May free tablets ang mga estudyante, kasama ang free bandwidth, at laptop sa mga titser.
Nagpatayo si Yorme ng mga gusaling paaralan, ito ang 10 storey (fully airconditioned) Manila Science High School, Dr. Alejandro Albert Elementary School, Rosauro Almario Elementary Scool.
Isa pang 10 storey Ramon Magsaysay High School Bldg, na inumpisahan ni Yorme, pero 3 taon na ang nakalipas ay up to now di pa tapos.
May ganito ba ang Ale sa CityHall na tiyak nang mageempake, di na makakaulit ng second term.
Eto ang resido sa Social Welfare:)Food Security Program; Tirahan ng mga batang hamog at taong lansangan; libo-libong trabaho para sa Manilenyo dahil sa maraming “Build, Build Program” ni Yorme.
Idagdag natin ang City Amelioration Crisis Assistance Fund, Wifi connection sa España at sa Bonifacio Shrine at ang kalingang monthly allowance sa mga Senior Citizens, Persons with Disabilities at sa mga Solo Parents.
***
Eto ang hinahangaan ng marami, maging ng mga taga-labas ng Maynila na redevelopment at turismo.
Sarap magkape sa Kapetolyo, Anda Circle, Plaza Morga, Jones Bridge, Mehan Garden, Hidden Garden, at pinagandang Manila City Hall,Plaza Moriones, Plaza Salamanka, Riverlane Foodbridge; Pasig River Esplanade, Lagusnilad Underpass, Citywide cleanup drive, Baseco beach esplanade, Manila Zoo Rehabilitation at Redeveloped Clock Tower.
Eto, pa: Island Railings under LRT, Roaf Stud lights installation, Providing better vendor stalls, Painting of road sides/walls, Preservation of community parks, Fixed parking system on the roadside, Paraiso ng Batang Maynila renovation, Bonifacio Shrine with dancing fountain, Installation of Dragon Lamps in Binondo, Manila Islamic Cemetery and Cultural Hall, Arroceros Urban Forest Park rehabilitation, Paco Market road opening and asphalting.
Eto pa: Makeover of Bagong Buhay Sports Complex, Capiz lighting in various parks and road islands, Clearing operations of sidewalks: Divisoria and Quiapo, at ang proyektong hanggang ngayon ay nararamdaman at napapakinabangan — ang Lighting of Taft Ave., España Blvd., Carriedo, Rizal Ave., Kalaw St., Recto Avenue, R. Papa St., etc.
At ang mahigit na P 100M pesos na donasyon sa charity na kinita ni Yorme mula sa kanyang endorsement — na itinulong sa mga nasalanta ng bagyo at kalamidad sa ibang probinsiya.
Ang pagmamahal at kalinga ni Yorme ay extended hanggang sa hindi Manilenyo.
E, may ganito bang resibo ang Ale sa Manila CityHall at yung isang nagmamalaking pilantropo raw.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.