Advertisers

Advertisers

Mga kandidato sa E25, kilatisin para sa kinabukasan; at Ako Ilokano Ako, oks sa transpo group

0 68

Advertisers

Hindi lingid sa kaalaman ng milyong botante na maraming nakaupo ngayon sa trono ng Senado, Kongreso at sa Local Government Units, na masasabing walang silbi. Gets niyo ‘yan, di ba?

Kaya para tuluyan nang mawala ang mga inutil, ihimok ni dating DILG Sec. at ngayo’y kandidato sa pagka-senador, Atty. Benhur Abalos Jr. ang mga Pilipino na maingat na suriin ang mga kwalipikasyon, rekord, at integridad ng mga kandidato para sa Mayo 2025.

Aniya’y na ang magiging resulta ng halalan ay may malaking epekto sa kinabukasan ng bansa, lalo na ang mga tumatakbo para sa pagka-senador dahil sa mahalagang papel sa paggawa ng mga batas at pagtutulak ng mga polisiya para sa bansa.



“Itong darating na eleksyon kasi ito’y magdidikta ng ating kinabukasan. Tandaan natin ang gagawin ng senador, siya’y gagawa ng mga polisiya, siya’y gagawa ng mga batas, ang direksyon ng ating bansa. Napaka-importante ng eleksyon na ito,” sabi ni Abalos sa isang kamakailang panayam sa radyo.

Sinabi ni Abalos na importante ang kakayahan at mahusay na pamamahala, at sinabi niyang ang epektibong pamamahalan at maayos na pagpapatupad ng mga polisiya ay mahalaga rin para sa pag-unlad ng bansa.

Kaya muling hinimok ni Abalos ang mga botante na pag-aralan nang mabuti ang kasaysayan at mga nagawa ng bawat kandidato upang matiyak na sila ay kwalipikado na magpatupad ng mga makabuluhang polisiya at programa.

“Ang nakasalalay dito ay ang ating kinabukasan lalo na ng ating mga anak. Sana tignan natin ang background – ito bang mga taong ihahalal natin ay kaya bang gumawa ng ganitong polisiya?

***



Pasado ang adbokasiya ng Ako Ilokano Ako partylist sa sektor ng transportasyon. Kaya nitong Huwebes, Marso 27, 2025, inihayag ng transport ang kanilang suporta sa partylist – katunayan sa isang pagtitipon sa Quezon City, dumalo ang may 300 kinatawan mula sa Stop and Go Transport Coalition, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, Inc. (LTOP, Inc.), at Pasang Masda ang at nagdeklara ng kanilang suporta AIA Party-list.

Inendorso ng grupo ang partylist dahil sa nakita na sa adbokasiya nito ay para sa kapakanan ng mga driver – ang mga programang pangkabuhayan, patas na regulasyon, at suporta sa gitna ng tumataas na gastos sa gasolina at mga hamon ng PUV modernization.

Pinuri ni LTOP, Inc. President Orlando Marquez ang pagtugon ng AIA sa pagpapatuloy sa legasiya ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson, na nag-withdraw ng kanyang 2025 senatorial bid dahil sa mga alalahanin sa kalusugan.

“Ipinagpapatuloy namin ang laban ni Daddy sa pamamagitan ng Ako Ilokano Ako—nabubuhay ang kanyang mga plataporma sa pamamagitan ng aming itutulak na batas.”ani Ako Ilokano Ako Rep. Richelle Singson.

Sa inspitrational message ni Gov. Chavit, nilinaw niya na ang kanyang withdrawal ay hindi nangangahulugan ng pag-abandona sa suporta sa sektor ng transportasyon.

Dumalo sa pagtitipon at inendorso din ang partylist ay sina SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta, dating presidente ng Senado Tito Sotto, dating senador Ping Lacson, at Willie Revillame.

Ang Ako Ilokano Ako partylist, habang nakaugat sa adbokasiya ng Ilocos, ay naglalayon na palawakin ang pambansang impluwensya nito sa pamamagitan ng mga inisyatiba ng grassroots at transport-sector.