Advertisers
WINALIS ng De La Salle University ang University of the East, 25-22, 25-13, 25-23, para sa kanilang third straight win sa UAAP Season 87 women’s volleyball Sabado sa Smart Araneta Coliseum.
Umiskor si Angel Canino ng 16 points mula sa 12 attacks,three blocks, at ace, habang si Shevana Laput may 14 points para sa Lady Spikers na umangat sa 8-3.
“Hindi ko masasabing ito na ‘yung peak namin, pero at the same time, merong mga nalalabas kasing skills namin, merong nalalabas na bago sa’min. Hindi pa ‘to yung peak talaga, hindi ko masasabing ito na ‘yung peak talaga kasi we believe na meron pa kaming more na malalabas,Wika ni Canino.
Nessa Bangayan may 13 points, habang si KC Cepada maay 11 points para sa Lady Warriors na nanateling winless sa 11 games.
Bago ito, tinalo ng University of Santo Tomas ang Ateneo de Manila University, 25-15, 26-24, 26-24.
Angge Poyos pinamunuan ang Golden Tigresses sa iniskor na 16 points habang si Marga Altea at Reg Jurado nag-ambag ngtig-10 points.
AC Miner may 13 points,habang si Lyann de Guzman nagdagdag ng 12 points para sa Blue Eagles.
USTumangat sa 7-4,habang ang Ateneo nadulas sa 4-7.