Advertisers
NAGSIMULA ng umarangkada ang kauna unahang A1 portal na health services matapos ilunsad ito nitong Biyernes (Abril 4, 2025) sa Quezon City upang umasiste at makatulong sa mga doctor na gumagamot ng mas maraming bilang ng mga maysakit.
Nabatid sa media launch, ipinakilala ng 1Life Inc. ang unang AI powered doctors assistant Platform sa Pilipinas na Docmate AI upang mas maraming mamamayan ang magkaroon ng access sa healthcare preventions.
Sinabi ni Nino Namoco, President ng 1Life Inc, ang Docmate A1 ay malaking tulong sa mga doctor at sa isang pasyente na agad makikita ang sakit at maagang malulunasan sa tulong ng bagong platform na Docmate AI.
Ayon pa sa 1Life Inc nagkakaloob sila ng libreng health services tulad ng blood test, ECG, Xray, Ultrasound, Urinalysis at iba pa at dahil sa paggamit ng Docmate AI, agad malalaman dito ang mga sakit ng isang pasyente na dapat malunasan.
Nabatid pa kay Namoco na sa paggamit ng Docmate Ai ay ang desisyon pa rin naman ng doctor ang prioridad sa ibibigay na gamot at kung anu ang dapat gagawin ng mga pasyente pero malaking tulong naman ang naturang platform dahil nakikita dito ang iba pang analysis na maaaring hindi nakita ng doctor.
“Gaya ng isang pasyente natin, nagpa check up siya dito at nakita nating may pulmonary infection siya, may cholesterol at sa tulong ng Docmed AI ay nakita dito na mayron din pala siyang sakit na diabetes kaya malaking tulong ang platform para maagap na magagamot ang sakit ng isang pasyente” sabi ni Dr. Matt Navarro, Medical director ng 1Life Inc.
“Nakikita namin na sa loob ng tatlong taon naming pagseserbisyo sa 1Life mula sa 900 munisipalidad na naikot namin may 3 doktor lamang ang nakalaan sa bawat 10 libong katao, kaya gusto naming madagdagan ang bilang ng mga natutulungan natin pasyente sa pamamagitan ng Docmate A1” sabi pa ni Namoco.
Sinabi pa niya gamit ang Docmate AI platform, mas mapapadali ang konsultasyon ng isang pasyente sa executive check-up ay inaabot lamang ng higit isang oras pero kung sa regular na executive check-up ay aabutin ito ng apat na araw. (Boy Celario)