Advertisers

Advertisers

KASO ISINAMPA NA LABAN SA HIT & RUN SUSPECT SA NOVALICHES

0 93

Advertisers

KASONG ‘reckless imprudence resulting to homicide and abandonment’ ang kinakaharap ngayon ng pinaghahanap pa ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) na hit and run suspect sa Novaliches.

Sa pahayag ni P/Capt. Joan Vela, hepe ng QCPD Traffic Sector 2 (Novaliches), kanila nang naisampa ang kaso, kasama ang pamilya ng biktima laban kay John Joshua Yap Ng, residente ng Barangay 61 sa Caloocan City.

Dalawang saksi, ayon kay Vela ang kanilang hawak na makakapag-patunay na si Ng ang nagmamaneho ng puting BMW (NEG 3535) nang salpukin nito si Den Adrian John Viaje, 29 anyos, may-asawa at residente ng No. B-1 L-5, GoodWill Townhomes I, Barangay Bagbag, Novaliches.



Sa tindi ng pagsalpok, ikinamatay ng biktima ang pangyayari, samantalang si Ng, ay walang awang iniwanan ang kanyang nasagasaan at tumakas.

Nakunan din si Ng ng mga CCTV camera sa mga kalsadang kanyang dinaanan habang tumatakas, at hawak na ang mga ito ng mga imbestigador ng QCPD Traffic Sector 2.

Ayon kay Vela, ayaw sumuko at aminin ni Ng ang pangyayari at pawang mga abogado nito ang pinakakausap sa kanila, kaya’t maging ang Land Transportation Office (LTO) ay kanila nang sinulatan para maglabas ang ahensiya ng Show Cause Order laban kay Ng, samantalang nasa ilalim na ng “police flash alarm” ang sasakyan ng suspek.

Si Viaje, na usang call center agent ay nakitang tumatawid sa Quirino Avenue malapit sa kanto ng Pagkabuhay Road sa Novaliches nang suwagin ng rumaragasa sa tulin na BMW ni Ng noong Martes (March25) bandangbalad dos ng madaling araw.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">