Consultative meetings bilang paghahanda sa susunod ng payout seniors allowance inanunsyo ni Mayor Honey
Advertisers
INANUNSYO ni Mayor Honey Lacuna na kasalukuyan ng nagsasagawa ng consultative meetings ang local government bilang paghahanda para sa maayos na payout ng dobladong monthly allowance ng senior citizens para sa buwan ng April, May at June 2025.
Sinabi ni Lacuna na ang Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pamumuno ni Elinor Jacinto ay siyang in-charge para sa nasabing consultative meetings sa lahat ng 896 barangays sa anim na distrito ng Maynila.
Ayon sa lady mayor, ang pulong ay layuning matiyak na ang masterlists at payrolls ng mga barangay ay tulad ng nakaraang payout na ginawa ng lungsod.
Nabatid na ang masterlist, ay siyang basehan payroll at halaga na kailangang ilabas para sa bawat senior citizens ng isang distrito.
Binigyang komendasyon ni Lacuna at nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng barangay chairpersons, barangay secretaries at sa lahat ng barangay officials na awtorisado at in charge sa paghahanda ng updated senior masterlist sa kanilang nasasakupan. Sinabi pa ng alkalde na mahalaga ang kanilang trabaho para sa lungsod at sa mga senior citizens na nasa 200,000 ang bilang.
Sinabi ni Office of Senior Citizens’ Affairs head Elinor Jacinto na mula sa P500 ay dinoble ni Lacuna ang senior citizens’ allowance at dinoble ito at ginawang P1,000 kada buwan sa pamamagitan ng ordinansa na kanyang nilagdaan noong Oktubre ng nakaraang taon.
Kaya naman nagsimula ng tumanggap ng dobladong allowance ang mga senior citizens’ ng quarterly na nagkakahalaga ng P3,000. Ito ay para sa buwan ng January hanggang March ng kasalukuyang taon.
Gaya ng kahilingan ng mga senior citizens, ang kanilang allowance ay ibinibigay na sa kanila sa pamamagitan ng cash payout upang maging mas madali para sa kanila, di katulad ng dati na hirap silang kunin ang kanilang allowance dahil sa lumang sistema kung saan Paymaya ang ginagamit. Ito ay bago pa maupo si Lacuna bilang alkalde.
Sinabi ni Jacinto na ipinakita sa kanya ni Lacuna ang buong pagtitiwala at kumpiyansa sa mga Punong Barangay na kaya nilang magsagawa ng payouts sa pinaka-kumbinyente at maayos na paraan para sa senior citizens nang hindi nila dinadamay ang mga senior citizens sa pulitika.
“Pahalagahan po sana natin ang tiwalang ibinigay ng ating alkalde. Lahat po tayo ay tatanda,” giit ni Jacinto stressed, at idinagdag na hinihintay ng mga senior citizens ang nasabing cash aid upang nakatulong sa personal na gastusin lalong lalo na sa kanilang maintenance medicines. (ANDI GARCIA)