Advertisers
BIBIDA si Sparkle star Andrea Torres sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Akusada.”
Ito ang comeback series ni Andrea matapos gampanan ang iconic role na Sisa sa “Maria Clara at Ibarra” noong 2022, kung saan nanalo siya bilang Best Actress in a Supporting Role sa Platinum Stallion National Media Awards.
Kamakailan lang ginanap ang story conference para sa “Akusada” kung saan makakasama ni Andrea ang iba pang Sparkle artists na sina Benjamin Alves, Lianne Valentin, Marco Masa, Princess Aliyah, at Jeniffer Maravilla.
Ayon kay Andrea, todo-paghahanda na siya para sa kanyang kakaiba at challenging role. “Pinanood po namin ‘yung isang documentary na ginawa ni Ms. Kara David. Sobrang dami niyang naitulong sa amin pagdating sa kung paano ko ipoposisyon ‘yung sarili ko sa role na ito. Sa likod ng mga nakikita natin sa araw-araw na buhay, ito pala ‘yung pinagdadaanan nila.”
Abangan ang kuwento ng isang “Akusada” soon on GMA-7.
***
“My Father’s Wife,” ipinakilala na ang bigating cast!
MAGSASAMA-sama for the first time ang Kapuso stars na sina Gabby Concepcion, Kylie Padilla, at Kazel Kinouchi sa GMA Afternoon Prime series na “My Father’s Wife.”
Sa ginanap na story conference recently, ipinakilala rin bilang bahagi ng star-studded cast sina Jak Roberto, Snooky Serna, Arlene Muhlach, Andre Paras, Maureen Larrazabal, Sue Prado, at marami pang iba!
Ayon kay Gabby, happy siya na maging parte ng serye, “This is a very exciting project. Magaganda ‘yung storya ng bawat characters and again this is a different project, hindi katulad ng mga nagawa natin noon.”
Sey naman ni Kylie, “I’m looking forward to her performance, kasi sabi niya kanina first time niya gumawa ng ganitong klaseng character. So, excited ako makita kung ano gagawin niya, na-pressure lalo!”
Sagot naman ni Kazel sa panunukso ni Kylie, “Grabe naman! Hindi ko in-expect ‘yung sagot mo. Ako excited siyempre mang-api.”
Abangan ang “My Father’s Wife” soon on GMA-7.
***
“Voltes V: Legacy,” ipalalabas sa Taiwan at Hong Kong!
TULUY-tuloy pa rin sa paggawa ng ingay sa loob at labas ng bansa ang groundbreaking live-action adaptation na “Voltes V: Legacy!”
Kalahok ang serye sa 2025 Golden Horse Fantastic Film Festival sa Taipei, Taiwan. Ipalalabas ito sa April 13 at 17 bilang bahagi ng nasabing film festival.
Kasunod niyan, mapapanood din sa mga piling sinehan sa Taiwan at Hong Kong ang masterpiece collaboration sa pagitan ng GMA Network, Toei Company, at Telesuccess Production.