Advertisers
NAPAKA-ipokrita pala nitong si Pasig City councilor at aktres na si Angelu de Leon kaugnay sa mga pambabatikos nito sa kanilang mga kalaban sa pulitika sa lungsod.
Matatandaan na naging viral ang isang video tungkol sa pagbibiro ni congressional candidate Atty. Ian Sia na puwedeng makisiping sa kaniya ang mga nalulungkot na mga babaeng solo parent isang beses bawat taon.
Sa inilabas na video na halatang galing sa mga kalaban sa pulitika, hindi ipinakita ang karugtong na portion na sinabi ni Sia na “joke lang po, may asawa na ako,” at nagsitawanan naman ang audience.
Bagama’t hindi natin ipinagmamatuwid ang sinabi ng nasabing kandidato, nakisakay naman agad itong si De Leon sa isyu at sinabi niyang “bawal ang bastos sa Pasig.”
Kung bawal pala ang bastos sa Pasig, eh bakit hindi niya tingnan ang kaniyang sariling bakuran upang malaman din ng taumbayan partikular na ng mga Pasigueño na 5 pala sa mga kasamahan
nito ay numero unong bastos at mapagsamantala sa kahinaan ng mga kababaihan.
Ang tinutukoy natin dito ay ang nag-viral din sa Pasig umano na video, pero ito ay hindi joke,
kundi sex video ng di-umano’y isang sitting councilor, dalawang aspiring councilor noon.
Ang kuwento ay na itong isang di-umano’y manyak na isa pang sitting councilor ang unang
tumira sa isang prosti at pagkatapos ay ikinuwento sa mga kasamahan at ito namang mga manyakis din ay sinubukan.
Ang siste ay hindi umano aktuwal na nakipagsiping ang mga ito kundi nakipag video sex lamang kung saan magbabayad muna sila ng deposit at pagkatapos ay magbabayad ng balance pagkatapos na makaraos.
Heto ang masaklap. Matapos makaraos ang mga damuhong manyakis ay bin-lock nila ang
babae para hindi na saila makontak dahil hindi pala ito nagbayad ng balanse.
Lingid sa kaalaman ng mga damuho, nirekord pala ni prosti ang buong sesyon at sa sobrang galit ay inilabas nito ang nasabing mga video.
Maliban dito, isa pa pala nilang kasama ang umano’y inireklamo ng isang single mom na
maliban sa pinangakuan itong pananagutan ang ginawa, as in inanakan, hindi pa umano nito tinupad ang pangako na kung mananalo ito noong 2022 ay aakuin nito ang bata at dadalhin ang apilyedo ngunit sa kasamaang palad ay hindi tinupad ng damuhong bilog ang ulo.
Lumalabas, nasa kampo pala ni Mayor Vico Sotto ang may pinakamababa ang moral kung
pagbabasehan ang tunay na mga pangyayari. At take note, tameme si Sotto sa isyung ito.
Kaya hamon natin kay Councilor Angelu de Leon, totoo ba itong mga akusasyon sa mga
kasamahan mo na mga kandidato bilang city councilor o hindi, Nagtatanong lang po?