Advertisers

Advertisers

Titser kulong sa pamemeke ng dokumento

0 14

Advertisers

Arestado ang isang babaeng guro sa kinahaharap nitong kaso sa korte na 19 counts of Falsification of Public Documents sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.

Sa ulat, 5:30 ng hapon nitong Huwebes (April 3) nang arestuhin ng mga tauhan ng San Fabian Municipal Police Station ang akusado.

Ayon sa mga awtoridad, residente ng naturang bayan ang 28-anyos na akusado.



Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest.

Nagtakda ang korte ng P72,000 ang kabuuang piyansa para sa akusado habang dinidinig ang kanyang kaso.