Advertisers
BASKETBALL ang napakalapit sa puso ni Senator Bong Go mula pagkabata hanggang ngayon ay naglalaro pa rin siya ng competitive caging.
Naging varsity player at asintadong shooter hanggang rainbow territory.
Lahat ng mga imbitasyong opening ceremonies ng mga basketball commercial, amateur at pro- leagues ay pinauunlakan niyang dumalo basta may panahon upang magbigay ningning sa kaganapan.
Palagi rin siya sa mga big games sa PBA sa lahat ng panahon may eleksyon man o wala.
Tunay namang malakas ang karisma ni SBG lalo na sa mga kabataan dahil alam nila ang mga ginagawa ng Senador from Davao para sa kanilang hanay.
Kaya nang inimbitahan siya ng National Capital and Regional Athletic Association( NCRAA) na pinamumunuan ng kanyang kaibigang si Salvador Encarnado( dating bossing ng Sta Lucia Realtors) kaagapay si AIMS executive Ted Cada ay di na nagdalawang salita at dumalo ang popular na Senador na sinalubong ng masIgabong palakpakan mula Cuneta Astrodome crowd sa Pasay City.
Sa kanyang mensahe bilang guest speaker, inengganyo niya ang mga kabataan na get into the sport and get away sa masasamang bisyo.
Binigyang diin niya na napakahalaga ng edukasyon,kalusugan at palakasan na hububog sa kanilang pagkatao sa hinaharap.
Pinapurihan niya ang mga institusyong kalahok sa pangunguna ng host De La Salle Dasma, Emilio Aguinaldo College, Asian Institute of Maritime Studies, Lyceum of the Philippines Univ Laguna, PMMS,PATTS, Immaculada Concepcion College , Bestlink College atbp.
Nagpasalamat naman si NCRAA chairman Encarnado sa pagdalo ni SBG kahit gaano ka-hectic ng schedule nito.
” His ( SBG) presence is very inspiring to our young athletes of NCRAA. Narito siya bilang kaibigan at mapagmahal sa larangan ng sports and it is apolitical”, diin ni Encarnàdo.
Wish ng korner na ito ang success ng NCRAA . Basta si Senator Bong Go, go làng ng go para sa asenso ng mga larangan para sa Pilipino… MISMO!