Advertisers

Advertisers

Ryza dalawang beses nagtangkang magpakamatay

0 16

Advertisers

Ni Archie Liao

INAMIN ni Ryza Cenon na dalawang beses siyang nagtangkang magpakamatay.

Nangyari raw ito noong nakikipaglaban siya sa depresyon.



Coming from a broken family, hindi raw siya ganoon ka-close sa kanyang ama na nagkaroon din ng mga anak sa ibang babae.

Three years pa lang daw kasi siya noon nang mamatay ang kanyang ina sa stomach cancer.

Sa panayam ng beteranang kolumnista at vlogger na si Aster Amoyo sa YouTube channel nito, isiniwalat niya ang unang pagkakataong naisip niyang wakasan ang kanyang buhay.

“That time po kasi as in independent lang po ako na nandoon lang ako sa bahay mag-isa… So kine-keep ko lang po sa sarili ko ang lahat hanggang sa ayun po na nagkaroon ako ng depression. May isang araw na pa-give up na po talaga ako as in suicide na po,” pagbabalik-tanaw niya.

Nakatulong daw na naiwaksi sa isipan niya ang masamang tangka nang nagdasal siya at tinawagan ang kanyang kapatid na lalake na sumaklolo sa kanya.



Ang ikalawang pagkakataon daw ay noong ‘feeling lost’ siya nang mawalay siya sa partner na si Miguel Antonio Cruz habang may postpartum blues.

Naganap daw ito noong panahon ng pandemya kung saan may trabaho noon si Miguel at siya lang ang naiwan sa bahay.

“Wala po akong parang nanay na masasandalan o mahihingan ng advice… Walang ganoon,” aniya. “Minsan kinukuwestiyon ko rin ang sarili ko. Ang hirap labanan minsan ’yung sarili mong monster sa utak mo. Ang lakas po, masyado malakas po ’yung sa akin,” pahabol niya.

Aniya, ibinabahagi raw niya ang kanyang mga karanasan para makatulong sa mga taong dumaranas ng depresyon.

Dagdag pa niya, malaking bagay daw na naibabaling niya ang kanyang energy sa pagpipinta na malaking tulong sa kanyang mental hurdles.

***

MTRCB nakapagrebyu ng mahigit 22,000 na materyal sa buwan ng Pebrero 2025

Nakapagrebyu ng 22,677 materyal ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nitong Pebrero 2025, kabilang ang 22,460 na television programs, plugs at trailers.

Dagdag pa rito ang 121 publicity materials, 47 movie trailers, at 49 na pelikula: 20 lokal at 29 dayuhan.

Ito’y hayagang pagpapakita ng dedikasyon ng Board upang matiyak ang angkop na klasipikasyon sa lahat ng mga materyal para maprotektahan ang mga manonood, partikular ang kabataan, laban sa mga mapanganib na palabas.

“Tayo sa MTRCB ay patuloy na sinisiguro na ang lahat ng materyal ay nabibigyan ng angkop na klasipikasyon batay sa umiiral na pamantayan,” sabi ni Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio.

“Hinihikayat natin ang mga magulang na gamitin ang MTRCB ratings bilang gabay tungo sa responsableng panonood,” dagdag pa niya.

Nananatili naman ang dedikasyon ng MTRCB na makipagtulungan sa industriya ng pelikula at telebisyon para sa mas ligtas at responsableng paglikha ng mga palabas.