Advertisers

Advertisers

Rider nanghablot ng celfone, todas sa bangga

0 22

Advertisers

NASAWI ang isang motorcycle rider na nanghablot ng cellphone, nang sadyang banggain ng may-ari gamit ang kotse nito sa Barangay Zapote, Las Piñas City.

Sa ulat, mapaanonood ang CCTV footage ng matulin na paghahabulan ng motorcycle rider at isang naka-kotse, 12:00 ng tanghali ng Martes.

Kalaunan, nasalpok ng kotse ang motorsiklo.



Ayon sa isa sa mga saksi, sinadya ng driver ng kotse na banggain ang rider nang hablutin nito ang kaniyang cellphone.

Nakita ko, nakahandusay nalang po ‘yung binunggo. Sabi ng may-ari ng nakabunggo na kotse ay hinablutan daw po siya ng cellphone kaya po niya hinabol at binunggo para makuha ‘yung cellphone.

Noong nabunggo po niya, doon po niya nakita at nakuha ‘yung cellphone. Sa kaniya rin po pala ‘yung cellphone. Pinakita rin po niya sa mga taong nandito noon na cellphone po niya talaga ‘yung kinuha nu’ng binunggo niya,” sabi ng isa pang saksi.

Sumuko sa mga awtoridad ang driver ng kotse makaraan ang pangyayari at nasa kustodiya na ng pulisya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">