Advertisers
Nasa 4,491 na piraso ng party drug tablets na mas kilala sa tawag na ecstasy na nagkakahalaga ng Php 7,634,700.00 ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng NBI,PNP Aviation Security Unit 3,PNP Drug Enforcement Unit at PDEA sa Port of Clark ganap na 12:00 hapon nitong Abril 2 2025.
Sa report na nakarating sa tanggapan ni BGen.Jean Fajardo mula sa mga tauhan ng PDEA Clark Interdiction Unit , nagmula ang shipment ng illegal na droga sa Belgium na dumating sa bansa nito lamang Marso 29 2025.
Nabatid na una nang nakatanggap ng impormasyon ang “PDEA International Cooperation and Foreign Affairs Service (ICFAS) kaugnay sa parcel mula sa Belgium.
Natukoy ang laman ng parcel sa pamamagitan ng K-9 Unit ng Pdea at Bureau of Customs.
Samantala inaalam pa ng mga awtoridad kung kanino nakapangalan ang shipment ng parcel at kung sino ang nagpadala nito.(Thony D. Arcenal)