Advertisers

Advertisers

Mikee inamin, hiwalay na kay Paul matapos ang 4 taong relasyon

0 12

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

HINDI mapigilang mapaiyak si Mikee Quintos nang matanong ni Boy Abunda sa Fast Talk hinggil sa hiwalayan nila ni Paul Salas.

Inamin nang may bigat sa dibdib ni Mikee na nagkahiwalay na sila ni Paul matapos ang may apat na taong relasyon.



Gayunman, itinanggi ng aktres na may third party na sangkot sa kanilang break-up.

Nagkausap umano sila at kapwa nila napagdesisyunan na magkanya-kanya na ng landas dahil sa ilang kadahilanan.

Sey pa ni Mikee, hindi raw niya itinatanggi na nandoon pa rin ang pagmamahal niya kay Paul at iniaasa na lang niya sa Panginoon ang kapalaran ng kanyang puso, kung magkakabalikan pa ba sila ng actor-dancer o hindi na.

Sa ngayon ay nagpapasalamat ang dalaga at abala siya sa trabaho kaya’t may pinagkakaabalahan siya at hindi masyadong naiisip ang kanyang lovelife.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">