Advertisers

Advertisers

‘MANYAKIS’ NA STEPFATHER, ARESTADO; MENOR DE EDAD NAILIGTAS NG NBI

0 11

Advertisers

NAILIGTAS ng National Bureau of Investigation-Cavite North District Office (NBI-CAVIDO North) ang isang babaeng menor de edad at inaresto ang stepfather dahil sa sexual assault.

Ayon kay NBI Director Judge Jaime B. Santiago (Ret.) nag-ugat ang kaso sa referral letter na natanggap ng CAVIDO North noong Marso 30, 2025 mula sa isang non-government organization tungkol sa tatlong batang babae na sekswal na sinaktan na nagkataong stepfather ng dalawang babae at biological na ama ng bunsong biktima.

Ayon sa dalawang step daughter, 19 at 14 years old, nagsimula ang insidente noong 2023 habang sila ay naninirahan sa bahay ng kanilang tatay-tatayan sa San Pablo City. Ang kanilang ina ay nagtatrabaho noon bilang isang OFW sa Kuwait.



Anila, sekswal na binastos sila nito sa pamamagitan ng pagmasahe sa kanilang mga suso, pagpasok ng kanyang mga daliri sa loob ng ari, at panggagahasa sa kanila. Karaniwang nangyayari ang pang-aabusong sekswal habang natutulog sila sa kanilang kwarto.

Nagbabanta din ang kanilang stepfather na papatayin ang kanilang ina at lola sakaling sabihin sa kanila ang pangyayari. Ang 4 na taong gulang na biktima, ang biological daughter ng suspek ay nakaranas din ng ‘kalaswaan’ dahil ipinapasok nito ang kanyang daliri sa loob ng ari ng kanyang anak sa tuwing pinaliliguan.

Ang dalawang step-daughters ay nakalaya sa kanilang sexually-perverted step-father at humingi ng tulong sa NBI dahil ang kanilang 4-year-old half-sister ay patuloy pa rin sa paulit-ulit na sekswal at pisikal na pananakit mula sa amain.

Ayon sa dalawang (2) step-daughters, gumagamit din ang kanilang stepfather ng mga ipinagbabawal na gamot. Agad na nagsagawa ng rescue operation ang NBI-CAVIDO North noong Marso 31, 2025 sa San Pablo City, Laguna kung saan nailigtas ang biktima.

Mga kasong paglabag sa R.A. 8353 (Anti-Rape Law), R.A. No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), at R.A. 9208 na sinususugan ng R.A. 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012) ay inihain laban sa suspek. (JOJO SADIWA)