Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
FRESH from his award sa katatapos lamang na 38th PMPC Star Awards for Television bilang Child Performer of the year at Child Star of the Year sa Platinum Stallion National Media Awards, marami raw dapat ipagpasalamat ang child actor na si Zion Cruz.
Isa na riyan ang serye niya sa Kapatid network na “Ang Himala ni Nino.”
Dahil sa Ang Himala ni Niño, na nagsimula pa last September, nabigyan siya ng iba pang projects gaya ng napasama siya sa pelikulang “The Kingdom,” na isa sa official entries sa 2024 Metro Manila Film Festival. Gumanap siya rito bilang anak ni Cristine Reyes at apo ni Vic Sotto.
“Thank you kasi naa-appreciate ninyo po ang effort ko kahit baguhan pa lang ako. Thank you rin po kay Direk (Thop Nazareno) dahil natutukan niyo po ako. Siyempre po thank you rin po kay Lord sa lahat ng blessings,” sabi ni Zion sa Finale Media Conference ng “Ang Himala ni Niño.”
Pinasalamatan din ni Zion ang mga kasama niya sa cast pati ang production staff, na aniya ay mami-miss niya lahat ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng serye.
Wish ni Zion na sana ay masundan pa ng magandang proyekto ang “Ang Himala ni Niño.”
Subaybayan ang huling dalawang linggo ng “Ang Himala ni Niño,” na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 11:15AM sa TV5.
***
NAGBIGAY muli ng update ang TV host-actress na si Kris Aquino tungkol sa kanyang health condition, partikular na sa patuloy niyang pakikipaglaban sa autoimmune disease.
Sa isang Instagram Reel, ipinost ni Kris ang ilang litrato at video kung saan makikita ang mga sugat sa kanyang katawan, ang red spots sa mukha at ang patuloy na pagbagsak ng kanyang katawan.
Ibinalita rin dito ni Kris na tinamaan na rin siya ng lupus flare fever na mas nakadagdag pa sa nararanasang karamdaman.
Aniya sa caption ng kanyang IG post, “This is MY NOW… i wanted you to see the pain and struggle so that you will continue to pray. I have a Lupus Flare fever now. It’s been more than 2 weeks.”
Ipinakita rin ni Kris sa mga netizens ang mga signs and symptoms ng lupus na naglitawan sa kanyang katawan.