Advertisers

Advertisers

HEPE NG PULISYA, 3 TAUHAN SINIBAK SA PANANAMPAL SA COMPLAINANT!

0 21

Advertisers

SINIBAK sa puwesto ang hepe ng Pasuquin, Ilocos Norte at tatlo pa nitong tauhan nang mag-viral sa social media ang pananampal ng mga pulis sa isang complainant sa loob ng kanilang himpilan noong Linggo, Marso 30.

Ayon kay Ilocos Norte Provincial Police Office (PPO) Director, Colonel Frederick Obar, ang administrative relief ay sa hepe at tatlo nitong tauhan habang gumugulong ang imbestigasyon sa kaso.

“They will face administrative and criminal cases if found guilty during investigation,” wika ng opisyal.



Ayon sa uploader ng video na nagpakilalang si Stephanie, nagtungo sa presinto ang kaniyang stepfather at isa pa nitong kasama 2:00 ng madaling araw para i-report ang umano’y pananakit sa kanila sa isang lamay sa kanilang lugar. Pero imbes na tulong ang kanilang natanggap mula sa mga nakatalagang pulis, sila pa ang sinaktan, pinagmumura, tinutukan ng baril, at ikinulong ng walang dahilan o kahit warrant of arrest wala.

Paliwanag ng istasyon, nagkaroon ng komosyon sa loob ng kanilang tanggapan kasama ang mga complainant, at nang hindi sila maawat, itinulak umano sila ng mga pulis.

Sa video, makikita ang tatlong pulis na kinabibilangan ng isang Master Sgt, isang Patrolman, at isang Corporal, habang nasibak ang kanilang hepe sa isyu ng “command responsibility” sa insidente.