Advertisers

Advertisers

Cagayanong QCPD Chief, heneral na!

0 21

Advertisers

Ganap nang heneral sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ang kasalukuyan Director Quezon City Police District (QCPD) – si Brig. Gen. Melecio Madatu Buslig Jr.

Lunes, Marso 31, 2025, ng gabi nang ibaba o inanunsyo ng Office of the President (Malacanang) ang promosyon para sa “First Star General o Brig. General” ni Buslig mula “Colonel”.

Si Buslig Jr. ay kabilang sa Philippine National Police Academy (PNPA) Class 1996. Nagsimula ang kanyang edukasyon sa Enrile South Elementary School at kanyang secondary naman ay sa Cagayan National High School sa Tuguegarao City. Siya ay nagtapos naman sa kursong Bachelor of Science in Nursing at isang Registered Nurse mula sa Our Lady of Fatima College sa Valenzuela City. Sinimulan niya ang kanyang karera sa pagtutuon sa public safety at saka pumasok at makabilang sa “Kaagapay” Class of 1996 ng PNPA at ipinagpatuloy ang dedikasyon niya sa public service nang matapos niya ang kanyang masteral – management major in Public Administration sa Philippine christian University noong 2017.



Noong 1996 bilang junior officer, nagsimula siya bilang intelligence officer sa First Guard Company, Presidential Guards Battalion, Presidential Security Group hanggang sa pinagkatiwalaan siya sa mas mga matataas na responsibilidad sa mga sumusunod; Presidential Guards Battalion ng Presidential Security Group, Chief of Police sa Balanga City at Mariveles sa Bataan PPO, at hepe ng Provincial Intelligence Branch sa Bataan. Nagsilbi din siya bilang Provincial Officer ng Cagayan Highway Patrol Team, Herpe ng Intelligence and Counterterrorism Division, at Operations Management Division sa PNP AVSEGROUP at hepe ng AVSEUNCR….hanggang sa italaga siyang Hepe ng Regional Intelligence Division – PRO 5, Provincial Director ng Sorsogon PPO, at naging Chief of Police din sa Muntinlupa City.

Ang bagong promoted na heneral ay naging hepe din ng Regional Investigation Division ng National Capital Region Police Office (NCRPO), at hanggang sa maging Deputy Director for Operations at Deputy Director for Administration sa Quezon City Police District (QCPD) kung saan maitalagang Acting District Director ngf QCPD noong September 30, 2024 dahil sa mga ipinamalas o kontribusyon niya para sa kaayusan at katamihakan ng lungsod.

Nito namang Miyerkoles, Marso 2, 2025, nanumpa na si Buslig Jr., para sa ranggong Police Brigadier General sa isinagawang Oath-Taking at Donning of Ranks Ceremony, kasama ng ilan pang bagong promoted ng “First Star” na ginanap sa Camp PGen. Rafael T Crame, Quezon City.

Pinangunahan mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief, P/Gen. Rommel Francisco D Marbil ang kaganapan.

Ang makabuluhang kaganapang ito ay minarkahan bilang isang milestone para sa mga bagong tinaasan ng ranggo “star-ranked” kung saan ay kinikilala ang kanilang careers, dedication, leadership, at outstanding service sa PNP.



Dinaluhan naman ng high-ranking officials, fellow officers, at miyembro ng pamilya ang okasyon upang saksihan at ipagdiwang ang karapat-dapat na tagumpay na ito.

Buong kababaang-loob naman na ipinahayag ni P/BGen. Buslig, at sinabing…“As we embrace this new responsibility, let us remember that promotion is not merely a title but a greater expectation from the people we swore to protect. We must remain committed to our mission—to serve and protect with integrity, discipline, and compassion.”

Sa ngalan naman ng QCPD Press Corps, congratulations Sir Brig. Gen. Melecio M Buslig Jr.

Proud to be Cagayano!