Advertisers

Advertisers

Boarder tinangay ang kotse ng landlady

0 11

Advertisers

TINUTUGIS ngayon ang isang lalaki at pamilya nito nang tangayin ang sasakyan ng landlady na nagsama sa kanila sa swimming sa Daranak Falls sa Tanay, Rizal noong Martes.

Inireklamo sa Tanay Municipal Police Station ng isang alas “Rachel”, na kinarnap ang kaniyang Mitsubishi Xpander GLS 1.5 G 2WD AT, ng kaniyang boarder na si alyas “Vince”, 4:00 ng hapon ng Abril 1, 2025, mula sa Daranak road, Barangay Tandang Kutyo, Tanay.

Sa imbestigasyon, magkasama ang pamilya ng complainant at suspek na kasama ang misis at anak na babae sa paliligo sa Daranak Falls nitong Abril 1.



Habang abala ang lahat sa swimming, nagpaalam ang suspek na kukunin niya ang kaniyang cellphone sa nasabing sasakyan na pinayagan naman ng landlady.

Nang mapansin ng kasera na napakatagal bumalik ng suspek, pinuntahan ang parking area at dito niya natuklasan na wala na ang kanyang sasakyan.