Advertisers
NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. ng pagkakaisa sa lahat ng gita ng mga kinahaharap na problema ng ating bansa.
Ayon kay Revilla nawa ang pagkawatak-watak ng ating bansa ay mapalitan ng isang pagmamahalan.
Iginiit ni Revilla na hindi dapat nagkakaroon ng anumang pag-aaway kundi magmahalan lamang sana ang bawat isa.
Hindi naman naitago ni Revilla ang tuwa at magpasalamat sa bawat mamamayang Filipino dahil sa patuloy na mainit na pagtanggap sa kanya saan man siyang panig ng Pilipinas magtungo.
Nanawagan din si Revilla sa lahat na ipagdasal silang mga kumakandidato na nawa’y maging ligtas lalo na ngayon na sobrang init ng panahon.
Tiniyak naman ni Revilla na sa kanyang pagbabalik sa senado ay kanyang isusulong ang pag-amyenda sa senior citizen law na kung saan sa kanyang panukala na imbes na 60 taong gulang magsimula ang pagiging senior ay gawin itong 56 taong gulang dito.
Kaugnay pa din ni nito nanawagan si Revilla sa lahat na mga may nanay at lola na nasa 80, 85, 90,at 95 taong gulang na tumungo sa mga tanggapan ng Semior Citizen o OSCA upang mapakinabangan ang Centenarian Law na kung saan si Revilla ang siyang pangunahing may-akda.