Advertisers
SUPORTADO nina manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamiya ko Partylist na pinangungunahan ni First Nominee Atty. Anel Diaz.
Ayon kina Ocsan at Ejercito naniniwala silang matutulungan sila ng Partylist na ito ni Diaz upang ipagtanggol at mapangalagaan ang kapakanan ng bawat miyembro at sektor ng lipunan.
Tinukoy ni Ejercito na bilang bahagi ng isang hindi maayos na pamilya o isang illegitimate child ay lubhang nagiging unfair ang pagtrato sa kanya.
Naniniwala si Ejercito na sa sandaling manalo ang naturang partylist ay tiyak na maisusulong nito ang pag-amyenda sa ating tintawag na Family Code na kung saan dapat ay magtamasa ng pare-parehong karapatan ang bawat anak ng isang pumanaw mula sa kanyang mga ari-arian.
Sinabi naman ni Ocsan na bilang isang single mother naniniwala siyang maraming mga uri ng kabuhayan ang maaring itulong at isulong ng Pamilya Partylist.
Dahil dito tiniyak nina Ocsan at Ejercito na kanilang ikakampanya sa lungsod ng Manila at mga kakilala ang Pamilya ko Partylist.
Lubos naman ang pasasalamat ni Diaz sa tiwalang ipinagkakaloob sa kanya ng dalawa at sa mainit na pagtanggap ng mga Manileno sa Pamilya Ko Partylist.
Siniguro din ni Diaz sa lahat na titiyakin nila ang pagsusulong ng pagkapantay-pantay na karapatan ng mga anak lehitimo man o hindi at tiyaking maipatupad ang benepisyong makukuha ng mga solo parents at nais niyang gawin itong nasyunal o hindi galing ang benepisyo sa mga local government unit (LGU’s) dahil kaawa-awa ang mga solo parents na hindi asensado ang kanilang LGU dahil hindi nila makukuha ang tamang benepisyong isinasaad ng Expanded Solo Parent Act.