Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
DAMA ang init ng summer sa Zamboanga City last Saturday (March 30) dahil sa pagbisita ng Mga Batang Riles stars sa KCC Convention Center, KCC Mall de Zamboanga para maghatid ng ‘di matatawarang entertainment, courtesy of GMA Regional TV.
Todo kilig at tuwa ang siguradong nadama ng mga Kapuso fans paglabas ng entablado nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Anton Vinzon. Tilian ang lahat dahil sa mga paandar ng mga GMA stars, mula sa kanilang pagkanta, pagsayaw, at pakikipag-interact sa kanila. Can’t take my eyes off you nga ang peg ng fans dahil sa irresistible charm ng mga makikisig na aktor na tiyak bumuo ng kanilang gabi.
Marami pang ibang sorpresa ang handog ng GMA Regional TV sa mga regions all over the Philippines, kaya stay tuned lang mga Kapuso!
***
Ruru nagpasalamat sa fans; pinagkaguluhan sa set ng Lolong
NGAYONG Manila bound na si Lolong (Ruru Madrid), siguradong mas marami pang dapat abangan sa Lolong: Pangil ng Maynila dahil bagong adventures na naman ang kanyang tatahakin kasama ang bagong mga karakter. Kaya naman, lalong nae-excite ang kanyang mga fans sa mga kaabang-abang na eksena na siguradong magpapadama sa kanila ng samu’t saring emosyon.
Sa post nga ni Ruru sa kanyang Instagram, makikitang masaya siyang pinagkaguluhan ng kanyang fans sa set ng Lolong. May mga sugat man sa mukha at mukhang pagod dahil sa eksenang ginawa, game na game pa rin si Ruru sa pagpapaunlak sa mga ayaw paawat na fans na bumati at yumakap sa aktor.
Nagpasalamat din si Ruru sa pagmamahal na kanyang natatanggap mula sa mga manonood ng serye.
“Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta! Patuloy nating samahan si Lolong sa kanyang panibagong laban sa Maynila.
Kayo ang inspirasyon ko, Mahal ko kayo!”
Tutok lang sa Lolong: Pangil ng Maynila, weeknights pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.