Advertisers

Advertisers

Magic buhay pa matapos ang panalo sa Spurs

0 8

Advertisers

KUMAMADA si Paolo Banchero ng 24 points at 10 rebounds at Franz Wagner nagdagdag ng 24 points matapos katayin ng Orlando Magic ang host San Antonio Spurs 116-105 Martes ng gabi sa Frost Bank Center.

Kentavious Caldwell-Pope umiskor ng 23 points para sa Magic (37-40) habang bumato ng seven 3-pointers at Caleb Houstan nag-ambag ng 12. Tabla na ngayo ang Magic sa Atlanta Hawks para sa seventh place sa East na may natitira pang pitong laro.

Harrison Barnes pinamunuan ang Spurs (31-44) sa iniskor na 24 points.Julian Champagnie nagdagdag ng 19 points,Stephon Castle umiskor ng 16, Devin Vassell at Bismack Biyombo nag-ambag ng tig- 11 at Chris Paul bumakas ng 10 para sa San Antonio na nabigo ang kanilang limang sunod-sunod na laro.