Advertisers

Advertisers

LAMPAS P2-B NINANAKAW TAON-TAON SA CALOOCAN CITY

0 22

Advertisers

SA ginanap na miting sa kampanya ni Sonny Trillanes na kandidato bilang alkalde ng Caloocan City, sinabi niya sa harap ng humigit kumulang sa 3,000 katao sa BF Homes sa North Caloocan na lampas sa P2 bilyon ang ninanakaw taon-taon sa kaban ng siyudad ng mga tiwaling lider.

Hindi tinukoy ni Trillanes ang mga tiwaling lider ngunit sa kanyang talumpati, pinatamaan niya ang katunggaling Team Orange na pinangungunahan ng mag-amang Malapitan, ang dinastiya sa siyudad. Ang anak na si Oscar ang kasalukuyang alkalde at siya ang kalaban ni Trillanes. Tumatakbong congressman ng ikalawang distrito ng siyudad si Along Malapitan. Kalaban ni Alog ang bumabalik na si Rey Malonzo, dating alkalde.

Team Blue naman ang tiket ni Trillanes. Kasama niya sa tiket si PJ Malonzo, dating konsehal at anak ni Rey. May dalawang bahagi ang Caloocan City – ang South Caloocan at North Caloocan. Parehong matao ang siyudad at abot sa halos dalawang milyon ang botante. Kumikita ang siytudad ng lampas P11 bilyon taon-taon at abot sa isang ikaapat ang nawawala dahil sa korapsyon ng mga nakaupong lider.



Maraming gustong gawin si Trillanes kung sakaling siya ang mahalal na alkalde. Kasama na ang pagbibigay ng kaunting tulong sa mga senior citizen upang mabuhay ng maayos, mga mag-aaral sa kolehiyo, hayskul, at elementary upang tuloy-tuloy ang pag-aaral at hindi maudlot dahil sa kawalan ng panustos ng magulang. Ibinatay ni Trillanes ang kanyang programa sa tamang tantiya ng budget ng siyudad at pag-alis sa nakawan sa City Hall.

Plano ni Trillanes na magbigay ang siytudad ng regalong P1,000 sa tuwing sasapit ang birthday ng isang senior citizen; P500 buwanang suporta kada senior citizen; P2,000 buwanang suporta kada mag-aaral sa kolehiyo, at P500 buwanang suporta kada mag-aaral sa hayskul at elementarya. Kakayanin gawin kasi hindi nanakawin ang pera ng siyudad, katwiran niya.

Pinatamaan ni Trillanes ang katunggali dahil sa plano ng huli na magpagawa ng pang-apat na gusali na agsisilbing panibagong city hall. Malamang overpriced ang kontrata, aniya. Hindi kailangan ang panibagong gusali, aniya.

Tumatakbo si Trillanes, senador ng dalawang termino, sa ilalim ng programa ng clean government. Plano niyang linisin ang gobyerno ng siyudad. Kinikilala si Oscar Malapitan sa kanyang patronage politics. Walang alam si Oscar tulad ng ama at nangingibabaw lang sa mga nakalipas na halalan dahil sa nabalitang pamimili ng boto.

Kabaligtaran siya ni Trillanes na may plataporma de gobyerno. Malinaw ang nais niyang makamit dahil wala siyang plano na ibulsa ang salapi ng bayad. Hindi siya kailanman nasangkot sa anumang iskandalo at katiwalian. Marami pang mauungkat sa record ni Oscar at Along kaya abangan na lang.



LAKING mangha namin ng ibalita ng isang kasangga na problema ng mga mamamayan ng Scheveningen sa The Netherlands ang mga tagasuporta ni Gongdi. Nagdaos na maingay na rali doon ang mga panatikong supporter. Pero hindi dito natapos ang kuwento dahil pagkatapos ng kanilang maingay na rali, nag-iwan sila ng santambak na basura na lubhang ikinagulat at ikinabahala ng mga mamamayan ng maliit na bayan kug saan nandoon ang prison facility ng International Criminal Court (ICC).

Ipinagawa ang lugar na pinagdausan ng rali ng mga panatikong tagasuporta para sa mga pamilya. Para ito sa kanilang picnic, ngunit parang daluyong dumating ang ga fans ni Gongdi at nababoy ang lugar. Dahil dito, nagbabala ang mga awtoridad na Olandes na maaaaring hindi na sila papayagan na muling magdaos doon ng rali.

Pinipilit ng mga fan ni Gongdi ang ICC na palayain ang tila baliw na mamamatay tao at ibalik siya sa Filipinas. Nagsalita na ang ICC at tahasang tinutulan ang kanilang nais. Mananatili si Gongdi sa pasilidad upang isailalim s pag-uusig na magsisimula sa ika-23 ng Septiyembre.

Isa pang kakatwang balita ang tungkol kay Harry Roque, ang dating tagapagsalita ni Gongdi. Sa mga kalatas, pinabintangan niya ang “Kanluran” sa tinawag niyang “kidnap” kay Gongdi upang dalhin sa The Hague. Malinaw na “weterners” ang gamit na salita.

Ngunit ang nakakagulat, humihingi siya ng asylum sa gobyernong Olandes na bahagi ng tinawag niyang Kanluran. Kanlungan ang salitang katumbas ng asylum sa Filipino. Tulungan siya dahil “ginigipit” siya umano. Walang naniniwala kay Harry and sa amin, hindi niya makukuha ang kanyang gusto.

Nagpahayag ang DFA na kung hihingin ng gobyernong Olandes, ipapaliwanag nila kung bakit hindi dapat bigyan ng asylum si Harry. Ngunit mukhang hindi kailangan ang gobyernong Olandes ang paliwanag ng DFA. Nakikita namin na tuwirang hindi bibigyan si Harry. Patay ka baboy ka!

***

Email:bootsfra@yahoo.com