Advertisers
ISANG dating batang mandirigma ng New People’s Army (NPA) itong tinatawag na “Kumander Guada” na kamakailan ay sumuko na at nagbalik-loob na sa pamahalaan.
Katorse anyos siya nang mahikayat ng mga mali at mapangdayang pagrerecruit ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF itong paslit na kalaunan ay naging “Kumander Guada” pa.
55-anyos na si “Kumander Guada” nang ito ay sumuko sa mga pulis sa Sto. Niño, Cagayan, na may dalang caliber .22 revolver pa.
Apat na dekada ng pakikibaka, ang maaari nating masabi sng ginugol ni Kumander Guada sa pakikipaglaban sa pamahalaan sa kadahilanan ng kahirapan, na lagi nilang sinisigaw.
Ang tanong, may nangyari ba? WALA! Walang ibang nangyari sa kanya kung di ang tumanda sa kakatago, pakikipag-barilan sa mga tropa ng pamahalaan, at buti na lamang ay buhay pa. Di gaya ng iba niyang nakasama na napaslang sa gitna ng kanilang pakikibaka.
Noong 2022 pa siya nagtangkang tumakas na naging simula ng kanyang permanenteng pag-alis mula sa kilusang rebelde. Lumantad at tuluyang isinuko ang sarili upang maranasan na, ang kanyang nababalitaan, na kinukupkop pa ng pamahalaan ang lahat ng nagbabalik-loob dito.
Binigyan ng pagkakataong makabalik sa tamang lipunan. Binibigyan ng kabuhayan upang makapag-simulang muli, at inaalalayan para gumanda ang kalagayan at makaalpas sa kahirapan, na siyang pangunahing nakapangloko sa kanya nang siya ay mahikayat na sumali sa kilusan.
Ngayon, ay napagtanto na ni Kumander Guada ang lahat, na siyang naglubog pa sa kanya sa kahirapan.
Gaya ni Guada, sa Surigao del Norte, Dinagat Islands naman, ay nagdeklara na ang pamahalaan na ang lugar na ito ay insurgency-free na.
Ang dahilan, napagtanto na rin ng mga nagrerebelde roon, na walang patutunguhan ang kanilang pakikibaka kung di lalong matinding kahirapan.