Advertisers
Ni Beth Gelena
SA isang interbyu kay Alden Richards, binulgar ng Kapuso actor na gusto niyang makatrabaho si Anne Curtis sa isang proyekto.
“Actually, so far I’ve never worked with Anne Curtis yet and I would love to work with her in a project, maybe a movie or a series. Kasi alam naman natin before, when I was starting, na naging crush ko po si Ms. Anne Curtis for the longest time,” wika ng aktor.
“Nagkikita-kita kami, nagkakaroon na kami ng chance to bond together, but actually work together? Not yet. So I am looking forward for that,” dagdag ng Multi-Media actor.
May sarili na ring production si Alden at ibig pa niyang e-expand ang kanyang company bilang isang producer.
Pagbabahagi niya, “We already finished filming Death March. This is a film with Scott (Adkins) wirh Gabbi Garcia in partnership with Odyssey Pictures. It will be premiering outside of the Philippines muna.”
Marami umano siyang natutunan sa kanyang mga foreign co-production.
“Pwede palang ipre-sell ang films in other countries kahit script pa lang or artista pa lang, so it’s also a good learning for us that we’re able to venture outside of the Philippines and partner with foreign productions kasi we had a lot of learnings,” pakli ni Alden
May isa pa siyang movie under his production teamed up with Viva Films for the movie Out of Order, kung saan sila ni Heaven Peralejo ang lead stars.
***
NABABALITA umanong nawiwiling umakyat ng Baguio si Daniel Padilla dahil sa isang girl.
Isang source umano ang nagsabi sa beteranang manunulat na si Cristy Fermin na may pinagkakaabalahang girl ang actor ng Incognito na si Deejay.
Isang source raw ang nagsabing madalas pa rin ang aktor sa lugar kahit tapos na ang shoot ng seryeng Incognito.
Ani Nay Cristy, maari namang i-deny ni Daniel o maari naman din daw nitong aminin ang pananatili sa Baguio dahil sa isa umanong babae.
Sa ngayon, wala pang ibang napapabalitang nali-link sa aktor matapos ang breakup nila ni Kathryn Bernardo mahigit isang taon na ang nakalipas.
Ibinahagi ni Nay Cristy ang kanya umanong nabalitaan tungkol sa bagong pinagkaabalahan ni Daniel.
“At gaano katotoo ang kwentong umiikot po ngayon? Saan nagsu-shooting ang Incognito? Baguio!” “Merong balita. Merong isang source na nagsabi na madalas doon si Daniel kahit tapos na ang shoot ng Incognito hindi umuuwi ng Maynila.”
Isa umanong babae ang nakilala roon ni Daniel na siyang bago nitong pinagkakaabalahan. “Meron daw isang girl na parang nililigawan niya. Parang ganun… May pinagkakaabalahan.”
Pero tanging ang aktor lamang ang makakapagkumpirma nito. “Ito po ay pupuwedeng i-deny ni Daniel at sabihin na naku eto na naman, may mga gumagawa na naman ng kwento. At pwede rin namang tanggapin niya para masabi naman ng ating mga kababayan na kaya naman pala. At may karapatan naman siya na ma-in love. May karapatan naman siyang makipagrelasyon, wala naman siyang sabit”
“‘Yun daw girl, nag-aaral sa Baguio… Na nakilala niya, isang gabi na alam mo na e naglilibang din naman si Daniel. Nakilala niya. ‘Yun ang dahilan kung bakit kahit tapos na raw ang shoot ng Incognito, andun pa rin siya,” dagdag pa ni Cristy. “Kung hindi totoo, anytime he can deny it. At kung totoo naman, he can say yes!”
***
DAVID MAS PABOR SA WRITE UPS NILA NI KATHRYN KAYSA KAY BARBIE
LABIS na ikinatutuwa ni
David Licauco ang mga nababasa niyang write ups hinggil sa kanila ni Kathryn Bernardo at sa mga larawang naglalabasan na kuha ng aktres sa pagrampa nito sa Bench Fashion Week kamakailan.
Hindi niya maiwasang mapa-reak lalo na sa seksing kuha ng aktres.
Ani ng mga commenters: “Feel na feel naman ni David duh.”
“Start of Promo na ba, spotted sa place ni Kath na susunod na headline”
“This is a big blow pag nagkataon for Barbie who gave up jack for you. Anyway youre not bankable naman for producers to notice.”
“It will never fly. His 15 minutes of fame is over.”
“Huh? Gave up Jak for him talaga? Sinabi ni Forteza yan?”
“All business lang sa kanya, at saka si barbie naman alam nya na all for showbiz lang partnership nila. Halata din na priority ni David businesses nya, never pa nya pinapunta si Barbie sa launchings ng restos nya, ayaw nya ihalo ang showbiz sa restos nya. Double edged kasi, dudumugin nga ang opening pero papano kapag di naman nya tutuluyan si Barbie, Sabihin user sya tapos damay ang resto sa cancel culture.”
“Comparison: JACK – lalakeng-lalake ang dating kahit saang anggulo.
DAVID – totoy na totoy ang aura; mas bata syang tingnan pag kasama si Manang BARBIE.”
“Akala ni BARBIE naka-jackpot sya ng ipagpalit nya si JACK kay DAVID. Remember, bihirang-bihira ang nagkakatuluyang magka-LT. Not unless kagustuhan ni guy na tuluyan ka hanggang forever nya.”
“Siya lang ang Box Office Kween na nilalako pa rin. Ang cheap ng mga fans”
“Lahat ng ingay ngayon sa social media about Kathryn means ayaw na talaga nya magpatali sa loveteam! Kasi sa totoo lang bankable ang Kathden pair, pwede pa yan ng isa or 2 projects. Pero si Kathryn ayaw na nya. Alam na nya kung gaano ka toxic ang mga shippers & LT fans kaya hindi na nya papasukin ang loveteam!”