Advertisers
NAGLABAS ang Chinese Embassy sa Pilipinas ng travel advisory sa kanilang mamamayan.
Nakasaad sa nasabing advisory ang pagkakaroon umano ng unstable public security ng bansa dahil sa ang mga Chinese at kanilang negosyo ay palagian iniimbestigahan at hina-harassed ng mga otoridad ng Pilipinas.
Dahil dito ay tumaas ang panganib sa seguridad ng mga Chinese nationals.
Pinayuhan din nila ang mga Chinese citizens na nasa Pilipinas at maging ang magbabalak na magtungo sa bansa na palakasin ang pag-iingat at kahandaan.
Pinaiiwas din nila ang mga ito sa pagtungo sa mga hindi mahalagang kasiyahan.
Kasama rin na pinaalalahanan nila ang mga Chinese nationals na umiwas sa mga matataong lugar at mga political gathering kung saan marapat na laging sumunod ang mga ito sa batas na ipinapatupad.
Pinag-iingat din nila ang mga Chinese tourist na dapat ay magsagawa muna ng ‘risk assessment’ ang desisyon na bumisita dito sa Pilipinas.
Matatandaang noong nakaraang Enero ay ilang mga Chinese nationals ang inaresto dahil sa alegasyon ng pang-eespiya sa Palawan at sa Metro Manila.
Bukod pa sa pagkakaroon ng hidwaan ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang West Philippine Sea.