Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
PAG nag-align ang mga bituin, mukhang isang Kapuso/Sparkle actor na naman ang makakatambal ni Kathryn Bernardo pagkatapos ni Alden Richards sa mega-blockbuster films nilang Hello, Love, Goodbye at Hello, Love, Again.
Kapansin-pansin kasi ang chemistry nina Kathryn at David Licauco sa finale ng Body of Work: The Bench Show kung saan nagkataong magkatabi ang dalawa sa stage.
Nagtsitsikahan ang dalawa at parehong nakangiti the whole time na nag-uusap kaya may mga nagsasabing bongga kung sila naman ang magsasama sa isang pelikula.
“Nagulat ako siyempre,” umpisang lahad ni David tungkol sa opinyon ng mga netizens na bagay silang pagsamahin sa isang proyekto..
Pagpapatuloy pa ni David…
“Growing up, si Kathryn na yung someone na I really look up to.
“Watched all her movies with Daniel Padilla, because I’m a fan.”
Rebelasyon pa ni David, kinikilig siya sa mga nababasa niyang balita tungkol sa kanila ni Kathryn.
“And now, I’ve been seeing mga writeups about us, kinikilig ka rin dun, di ba?
“Kahit naman sino.
“And I think everybody wants to work with Kathryn.”
At tulad ng kahit sinong actor, nasa bucket list ni David na makasama si Kathryn sa isang pelikula.
“Yeah. Depende pa rin naman yung sa producers.”
Samantala, bida si David sa pelikulang Samahan ng mga Makasalanan na isang satirical comedy film at ipapalabas sa mga sinehan sa April 19.
Ano ang feeling na bida siya sa movie?
“Well, of course, it goes full circle. Thinking about how I started.
“If you are new at this movie, you tend to really remember how you started.
“And it just means that if you put in the work, you are willing to learn every day, makakamit mo yung pangarap mo,” pahayag pa ng guwapong Sparkle artist.
Kasama rin sa movie sina Sanya Lopez, Joel Torre, David Shouder, Soliman Cruz, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Liezel Lopez, at Jade Tecson.
Kabilang din sa cast sina Jun Sabayton, Chanty Videla, Jay Ortega, Christian Singson, Shernan Gaite, at child star Euwenn Mikaell.
Mula ito sa direksyon ni Benedict Mique.