Advertisers

Advertisers

‘ACQUITTAL’ SA PAGPATAY KAY DJ JHONNY JUMALON

0 5,343

Advertisers

KASAMA tayo ng pamilya at mga kaibigan ni Juan ‘DJ Johnny Walker’ Jumalon, sa nalungkot at nabigla sa ginawang pagbasura ni Judge Michael Ajoc ng Branch 36, Calamba Misamis Occidental Regional Trial Court, sa kasong murder na isinampa laban sa 3 suspects sa kanyang pagpatay. Binasa ni Judge Ajoc ang kanyang desisyon nitong Marso 31.

Kung matandaan, binaril si Jumalon sa kanyang ‘live broadcast’ sa loob ng kanyang ‘local radio station,’ umaga noong Nobyembre 5, 2023.

Sadyang brutal at karumal-dumal ang krimen kung saan mismong si PBBM pa nga ang nag-utos na tugisin hanggang maaresto at masampahan ng kaso ang mga nasa likod nito.



‘Modesty aside,’ wika nga, dahil sa direktang gabay ni Justice Secretary Boying ‘Bossman’ Remulla at ng masisipag at dedikadong mga kagawad ng Misamis Occidental PNP at kahit pa nga ang Philippine Army, nagawa nating mahuli at maipakulong ang tatlong suspek:

Jolito Mangompit (gunman) at ang kanyang mga kasabwat na sina Reynante at Boboy Bongcawel, noong tayo ay ‘executive director’ pa ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS). Itong si Mangompit ay dating ‘hitman’ ng NPA at patong-patong ang mga kasong murder at frustrated murder sa buong Northern Mindanao.

Subalit, lumabas na hindi sapat ang mga naging testimonya at mga ebidensiya kaya hindi nakumbinsi si Judge Ajoc?

Dahil naman sa nangyaring ‘acquittal,’ isa na naman itong kontrobersiya para sa administrasyon ni PBBM.

Asahan na kasing “magbubunyi” ang mga bayaran ng mga Kano at EU na mga lokal na ‘NGOs’ sa hanay ng midya at ‘human rights’ sa pangyayaring ito.



May “pambala” na naman kasi sila laban sa administrasyon—at dahilan upang “ikalakal” sa kanilang mga ‘foreign funders’ ang kaso ni Jumalon.

Bagaman, hindi pa rin tayo nawawalan ng pag-asa. Ayon DOJ Senior Undersecretary Jesse Andres na “bisor” ng PTFoMS, agaran niyang iparerepaso ang desisyon upang malaman kung puwede pa itong “habulin.”

Harinawang mangyari.