Advertisers

Advertisers

9 bata inararo ng kotse: 1 patay, 8 sugatan

0 10

Advertisers

Nasawi ang siyam na taong gulang na batang lalaki at sugatan ang walong kalaro nito nang suyurin ng Asian Utility Vehicle (AUV) ng kanilang kapitbahay sa Dagupan, Pangasinan.

Sa report, katatapos lang umanong maglaro ng mga bata at nagpapahinga sa gilid ng kalsada sa Barangay Bonuan Gueset 6:00 ng gabi noong Linggo, Marso 31 nang mabangga ng sasakyan.

Pagkatapos mabangga ang mga biktima, sumalpok naman ang AUV sa pader ng isang bahay.



May iniwasan umanong babae at e-trike ang driver ng sasakyan kaya kumabig pakanan papunta sa direksyon ng mga biktima.

“Ipinagdarasal ko na kung maaari, mapatawad ako ng pamilya. Hindi ko sinadya. Wala naman pong taong sasadyain na mangyari ‘yun,” sabi ng driver.