Advertisers

Advertisers

Utang ng lungsod ng Maynila hanggang sa taong 2042 pa mababayaran

0 12

Advertisers

Hanggang sa TAON 2042 pa mababayaran ang utang ng Lungsod ng Maynila na halos aabot sa P5-Bilyon.

Ito ang pinahayag ni incumbent Manila Mayor Honey LACUNA sa isang talakayan sa Binondo, Manila kamakailan.

Ang utang niyang binanggit ay inutang pa umano ni YorMe Isko Moreno noon kanyang termino particular na noon panahon ng pandemya.



Maliban sa nasabing utang, nagbenta pa rin umano ng Ilan establistamento tulad ng Divisoria mall at ilan pang mga gusali na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang explanation.

Ang lagi daw tinutugon nito ay ginamit ang pera para sa mga Manilenyo noong panahon ng pandemya.Ginamit din daw ang iba sa rehabilitation ng Manila Zoo na tila hindi daw angkop sa isyu.

Sinabi rin ni LACUNA ang kanyang ginawang pahayag ay hinggil sa mga negatibong isyu na pinupukol sa kanya ng kabilang kampo na wala pa daw siyang nagawang maganda para sa Maynila sa kanyang administrasyon.

Lumalabas din daw na sa kanyang termino naganap ang pangungutang kung kaya’t bangkarote at lubog ang Maynila sa utang.

Ang lahat daw ng inaakusa sa kanya ng kanyang mga katunggali ay pawang kasinungalingan at kabaligtaran bagkus ay ang kanyang administrasyon pa ang nagpapaluwal at nagbabayad pa ng halos 30 milyon Piso kada buwan para sa kanyang inutang.



Mantakin niyong anim na Mayor pa ang maaaring umupo bago pa mabayaran ang lahat ng ito sa TAON 2042.

Sinabi Rin ni LACUNA na siya rin ang nagtutuloy ng bayad sa mga nabiting mga proyektong iniwanan ni Yor-Me tulad ng pagpapagawa ng Ilan eskuwelahan at mga ospital at ilan pang mga gusali.

Pinapalagay ni MAYORA na ang lahat ng nautang ni Moreno ay naganap ng nabuo na ang kanyang desisyon na tumakbo para sa pagka Pangulo ng BANSA.

Siyempre kailangan nga naman nitong kumuha ng pam-baon at panggastos sa kanyang paglahok sa Presidential election.

Ito rin daw siguro ang ibig sabihin ng pag-indorso sa kanya bilang Alkalde na parang siya ang naging front at caretaker na pambayad-utang he he he

Higit pa daw sa isang tunay na Kapatid ang pag-turing niya at ng kanyang yumaong ama na si Danny LACUNA Kay Isko.Masakit man daw sa loob niya ngunit kailangan tanggapin na sila rin pala ang magiging mortal na mag-kalaban.

Talagang applicable sa kanya ang kanyang battlecry na “bilis-kilos” dahil nang natalo siya sa pagka Pangulong ay bigla na namang babalik sa pagka Alkalde ng Maynila kung saan ang kanyang magiging katunggali ay ang babaeng siya MISMO ang nag-indorso.

NASA mga Manilenyo ang desisyon kung sino ang kanilang paniniwalaan sa nala-lapit na eleksiyon.

Isipin lang daw palagi na malapit na naman ang Presidential election baka Maynila na naman ang magdusa para lamang sa sariling kapakanan.