Advertisers

Advertisers

UST, FEU nangibabaw sa UAAP blitz chess opening round

0 10

Advertisers

NAGPAKITA ang University of Santo Tomas ng kahanga-hanga na performance upang mangibabaw sa UAAP Season 87 blitz tournament sa Adamson Gym.

Ang UST ay galing sa title victory sa men’s rapid event, winalis ang single-round robin eliminations para makaipon ng 10 points at ang No.1 seed sa semifinals kung saan makakaharap ang University of the Philippines.

Jan Clifford Labog nanateling unbeaten sa limang laban para makaipon ng 16.5 points.



Sa women’s division, Precious Yecla umiskor ng 12.5 points para sa UST na nanateling perpek matapos ang five rounds.

Samantala, FEU-Diliman umiskor ng eight points matapos ang five rounds para maabot ang girls final.

Woman FIDE Master April Joy Claros umiskor ng 10 points matapos mapanalunan ang lahat ng kanyang laban para sa FEU-D at itakda ang title duel sa National University-Nazareth School.

Sumulong rin ang FEU-D sa boy’s final laban sa UST. Parehong team ay nagtapos na may tig-seven points.
Rounds 6 at 7 ng women’s division ay nakatakda sa Abril 3, habang ang semifinals at finals sa lahat ng division ay gaganapin sa Abril 6.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">