Advertisers
GINIBA ng University of the Philippines ang University of the East,4-1 para mapanateling solo ang ikatlong puwesto sa UAAP Season 87 men’s tennis tournament sa Felicisimo Ampon Tennis Center sa Malate, Manila.
Nagwagi sina Andrei Jarata at Karl Miguel kontra Kent Morales and RJ Baje, 7-5, 6-4, sa second doubles match ng best-of-five tie at tinapos ng Fighting Maroons ang preliminary round sa 8-4 slate.
“I’m very satisfied with our victory and the individual performances,” Wika ng 19-year-old Jarata sa interview Lunes.
Nakuha ng UE ang 1-0 lead ng ma outplayed ni JB Aguila si Aslan Carbonilla, 6-3, 6-2 sa third singles match.Pero sa huli nagwagi ang UP sa sumunod na four matches para makupo ang panalo.
Tinalo ni Miguel Iglupas si Gerald Gemida,, 6-3, 6-2; team captain Loucas Fernandez kinaldag si Romeo Largo, 6-2, 6-1; habang si Lance Fernandez at Raymund Goco pinadapa sina Marc Suson at Kiz Bryan Cinco, 6-3, 3-6, 5-1 (ret.).
Ang semifinal round ay magsisimula sa Abril 5, kung saan makakaharap ng UP ang No.2 seed National University, na nagtala ng 4-1 wagi laban sa Adamson University para mag improved ang kanilang rekord sa 10-2.
No. 1 seed University of Santo Tomas, bitbit ang 11-1 card matapos kalusin ang Ateneo de Manila University, ay makakatagpo ang No. 4 seed UE (7-5) sa ibang Final Four duel.
Ang Bulldogs at ang Growling Tiger ay parehong may twice-to-beat advantages.