Advertisers

Advertisers

QUADCOM REP. LUISTRO AT MGEN. TORRE III HINIMOK UMAKSYON!

0 1,552

Advertisers

MAGING sa Bicol Region (Region 5) hanggang CALABARZON ay talamak ang kinukunsinting operasyon ng ‘paihi’ o ‘buriki’ lalo na ng mga sindikatong pinamumunuan nina alyas Mar Villanueva, Dodong Pagsanjan, Amigo at Balita sa Batangas City; Amang at Violago Group sa Carmona City, Cavite na nag-o-operate din sa mga bayan ng Del Gallego at Pasacao, Camarines Sur.

Kaugnay nito ay hinimok ng grupo ng anti-crime and vice crusaders na aksyunan na ng Kamara at ni Criminal Investigation Group (CIDG) Director, MGen. Torre III, ang naturang illegal activities na ‘di matinag-tinag ng pulisya, National Bureau of Investigation (NBI) at maging ng regional at provincial police directors.

Ang iba pang paihi/buriki operation ay ang pinatatakbo ng magkapatid na Ador sa Brgy. Makiling at Paciano sa Rizal, Calamba City; at Silangan Exit sa Cabuyao City. Nag-o-operate ang naturang grupo bagamat nasa “ibabaw lamang ng tungki ng ilong” nina CIDG Regional Field Unit Chief, Colonel Emerick Sibalo; at Laguna PNP OIC Provincial Director, Col. Ricardo Dalmacia.



Batay sa pagsisiwalat ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) ng Region 4A, malaki ang kinalaman ng milyones na payola sa ilang piling opisyales ng kapulisan, kabilang din ang ilang CIDG regional at provincial offices, tanggapan ng regional at NBI district at mga lokal na kapulisan kung saan nagnanakaw ng bilyones na halaga ng produktong petrolyo at Liquified Petroleum Gas (LPG) ang mga nabanggit na sindikato.

Tinuligsa ng MKKB ang isang alyas Sgt. Bascon na pumuposturang “kapustahan” ng tanggapan ni Batangas CIDG Provincial LtCol. Jake Barila at isang alyas Sgt. Adlawan, isang dismissed na Davao Police Sgt. at isang Duterte Die Hard Supporter (DDS) na umaaktong kolek-tong ng opisina ni Batangas PNP OIC Provincial Director, Col. Jacinto Malinao Jr.

Ayon din sa MKKB, kahit na mahigpit ang atas ni PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil, at ni MGen. Torre III na “No Take Policy” ay walang humpay padin ang lantarang petroleum at LPG theft operations nina Villanueva at Pagsanjan.

Sina Villanueva at Pagsanjan ang kapitalista ng operasyon ng paihi/buriki sa kahabaan ng Bypass Road sa tapat ng Toyota Cars Parking Area, sakop ng Brgy. Banaba South, Batangas City.

Isang alyas Amigo ang booker o tagapaghanap ng lupaing pinaglatagan ng pwesto nina Villanueva at Pagsanjan. Si Amigo din ang direktang kausap at tagapamudmod ng lingguhang suhol o intelhencia sa ilang tiwaling Regional at Batangas PNP at NBI officials, lalo’t higit ay ilang ganid sa salaping opisyales ng Brgy. Banaba South.



Bukod sa pwesto ng paihi ng naturang sindikato sa Batangas City ay may tatlong kuta din ng paihi at pasingaw sina Amigo, Villanueva at Pagsanjan sa Brgy. Sinuknipan hanggang highway ng Tanza 5, sa bayan ni Del Gallego Mayor Melanie Abarientos-Garcia. May isa pang kuta ang mga ito sa bayan ng Pasacao, sakop ni Mayor Jorge R. Bengua. Nakunan ng Police Files Tonite photographer ang dalawa sa mga kuta ng naturang sindikato.

Ang isa pang kuta ng paihi/buriki sa Batangas City ay ang mahigit sa 40 years nang ino-operate ni alyas Balita sa compound ng isang beach resort sa naturang lungsod sakop ni Brgy. Simlong Chairman Rufo Caraig.

Gayunman walang aksyon at tameme lang laban sa operasyon nina Villanueva, Pagsanjan, Amigo at Balita si Batangas City Police chief LtCol. Ira Morillo, na nababalitang mismong si Gen. Marbil ang nagtalaga bilang police chief ng premyado at dati ay crimeless na siyudad.

Tinukoy din ng MKKB ang paihi/buriki operation ng magkasosyong Amang, Cholo at Goto ng Violago Group sa Brgy. Bancal, Carmona City na ‘di masawata ang operasyon dahil sa malaking hatag na election fund sa ilang lokal na opisyales ng siyudad.

May milyones ding hatag maging sa mga tanggapan ng Cavite PNP OIC Provincial Director, Col. Dwight Alegre; at Cavite CIDG Provincial Office LtCol. MarK Jayson Gatdula.

“Pautot” ni Amang at ng bodyguard/hitman ng mga itong si Aldo ay kumpleto ang kanilang papeles kahit na patagong nagdidiskarga ng mga nakaw na gasolina, krudo at LPG ang mga tanker at capsule truck driver sa kanilang kuta.

Naniniwala ang MKKB na “nabubulag” si MGen. Torre III ng ilan nitong pinagkakatiwalaang opisyales sa CALABARZON at Bicol Region na nagbunsod upang himukin ang Heneral, at 2nd District Congresswoman Geriville “Bitrics” Luistro at ang Quadcom na kinabibilangan nito sa House of Representatives na magpaimbestiga sa nasabing malaganap na katiwalian.

Si Luistro ay kilalang mahusay, masipag at mataas ang krebilidad na mambabatas at tulad ni MGen. Torre III ay kaaway ng mga korap at mapagsamantala at “buwayang” government at police official, ayon pa sa MKKB. (CRIS A. IBON)