Advertisers

Advertisers

Lloydie babu na sa showbiz, umalis na sa management ni Maja

0 18

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

FRESH from his award sa katatapos lamang na 38th PMPC Star Awards for Television bilang Child Performer of the year at Child Star of the Year sa Platinum Stallion National Media Awards, marami raw dapat ipagpasalamat ang child actor na si Zion Cruz.
Isa na riyan ang serye niya sa Kapatid network na “Ang Himala ni Nino.

Dahil sa Ang Himala ni Niño, na nagsimula pa last September, nabigyan siya ng iba pang projects gaya ng napasama siya sa pelikulang “The Kingdom,” na isa sa official entries sa 2024 Metro Manila Film Festival. Gumanap siya rito bilang anak ni Cristine Reyes at apo ni Vic Sotto.



“Thank you kasi naa-appreciate ninyo po ang effort ko kahit baguhan pa lang ako. Thank you rin po kay Direk (Thop Nazareno) dahil natutukan niyo po ako. Siyempre po thank you rin po kay Lord sa lahat ng blessings,” sabi ni Zion sa Finale Media Conference ng “Ang Himala ni Niño.”

Pinasalamatan din ni Zion ang mga kasama niya sa cast pati ang production staff, na aniya ay mami-miss niya lahat ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng serye.

Wish ni Zion na sana ay masundan pa ng magandang proyektong “Ang Himala ni Niño.”

Subaybayan ang huling dalawang linggo ng “Ang Himala ni Niño,” na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 11:15AM sa TV5.

***



TILA tuluyan nang iiwan ni John Lloyd Cruz ang showbiz dahil umalis na siya sa Crown Artist management, na talent agency ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nunez.

Kinumpirma mismo ito ng aktres sa kanyang interview. Aniya,’ Lloydie decided to step back from being actively involved in the entertainment industry.”

Okay naman daw ang naging paghihiwalay nila. Nagdesisyon lamang daw talaga ang kaibigang aktor na ang showbiz ay hindi gawing primary job.

Buntis pa lamang daw si Maja ay sinabihan na siya ni Lloydie tungkol sa plano nitong umalis na sa kanilang kwadra ng mister na si Rambo.

Tinatanggihan din daw nito ang magagandang projects na in-ooffer sa kanya.

Ang priority umano ng aktor ay ituon ang oras sa anak na si Elias at naiintindihan naman niya.

Hindi lang si Lloydie, kinumpirma rin ni Maja na umalis na rin sa kanilang management si Miles Ocampo.