Advertisers
Pumanaw na ang isa sa mga biktima sa Antipolo road rage, ayon kay Lt. Col. Ryan Manongdo, hepe ng Antipolo City Police.
“Patay na po ‘yung isang biktima. Patay na po ‘yung isa sa mga biktima,” ani Manongdo sa ibinahagi niyang video sa kanyang Facebook page nitong Lunes ng gabi, Marso 31.
“‘Yung nakita natin na nakahandusay. ‘Yung binaril sa ulo,” dagdag niya.
Kaya sa halip aniya na tatlong bilang ng frustrated murder, ia-upgrade nila ang naisampang kaso laban sa namaril dahil namatay ang isa sa mga biktima.
Nasampahan na rin aniya ang suspek ng paglabag sa election gun ban.
Matatandaang nag-viral ang isang away kalsada sa tapat ng Kape Sinauna sa Antipolo City nang humantong sa pamamaril noong Linggo ng hapon, Marso 30.
Ikinasugat ito ng tatlong iba pa, kabilang ang misis nang namaril.(Edwin Moreno)