Advertisers
Nakahanda ang Pamilya Ko Party-list na ipaglaban ang karapatan ng LGBTQIA+ partners, lalo na pagdating sa desisyong medikal at ari-arian.
“Marami sa LGBTQIA+ couples ang hindi makapagdesisyon para sa kanilang partners kapag may hospital emergency. Kahit pa ilang dekada na silang nagsasama, hindi sila puwedeng pumirma para sa isa’t isa,” sabi ni Atty. Anel Diaz, ang number one nominee ng grupo.
Sinabi ng abogado na pareho rin ang problema pagdating sa usapin ng ari-arian.
“Maraming LGBTQIA+ partners ang nalalagay sa alanganin kapag namatay ang kanilang minamahal. Hindi sila kinikilala bilang pamilya at wala silang habol sa mga naipundar nila,” lahad ni Diaz na nag-top 1 sa bar examinations noong 2003.
Binigyang-diin ng pambato ng Pamilya Ko na panahon na para baguhin ito at gawing pantay-pantay ang lahat ng klase ng pamilya, maging tradisyunal man o moderno.
“Gusto nating alisin ang diskriminasyon at magiging mas patas ang batas para sa lahat,” aniya.