Advertisers

Advertisers

ELIJAH GUMAWA NG KANTA PARA KAY MILES; MAJA AYAW PA RING IPAKITA ANG BABY GIRL SA PUBLIKO

0 14

Advertisers

Ni Beth Gelena

IBINAHAGI ni Elijah Canlas ang kanyang unang single na ‘Loved Song’ kay Miles Ocampo.

Hirit niya, si Miles ang unang nakarinig ng kanyang kanta three yeara ago pa.



Sinulat umano niya ang kanta para sa monthsary nila noon ng actress.

More than two years din ang naging relasyon nila but they parted ways back in 2023.

“It was a monthsary gift at that time so binigay ko na yung song sa kanya… Kinilig naman siguro siya,” wika ng aktor sa isang panayam.

Nang tanungin kung ano ang reaksyon ni Miles nang marinig ang kanta?

“Speechless. Hindi siya ma ano kasi, ma-expressive sa mga ganung bagay. But I think kinilig naman siya, sana. Sana nag-work naman,” pakli ni Elijah.



“Technically, I wrote it three years ago. Wala pa akong plano talaga mag release officially to be a music artist. Sinulat ko lang siya at the time when it was all happening,” alaala niya.

Esplika niya, “Past tense na talaga yung kanta kasi nasa ibang state na ako ng buhay ko ngayon. Nasa ibang state na ng mindset basically.”

Maraming nakakakita ngayon kina Miles at Elijah na laging nagkakasama.

Meaning nagkabalikan na ang couple, though hindi sila umaamin kapag may nagtatanong.

Hindi nga ba’t sa isang event na magkasama sila ay nakunan pa sila na hinalikan ng actor ang actress.

***

ANG daming nagtatanong kung bakit hindi pa pinapakita nina Maja Salvador at Rambo Nunez ang mukha ng kanilang baby sa publiko.

Mag-iisang taon na si Baby Maria sa darating na Mayo but unknown pa rin hanggang ngayon ang face ng kanilang anak.

Ayon sa celebrity parents,

they plan to keep a private life for their daughter despite the growing public curiosity. Intention daw nilang i-prioritize ang protection for their daughter Maria’s privacy.

Sa isang panayam kay Maja, hindi pa raw sila nakakapag-decide kung kelan nila ipakikita sa publiko ang face ni Maria.

“Hindi ko pa talaga masasagot kung kailan ko siya ipe-face reveal…kung kailan ko siya ipapakita sa public. Siguro ibigay na muna nila sa ‘kin.”

She is also concerned about the risks of sharing photos online and the advancement of technology nowadays; some people could misuse her daughter’s pictures.

“Inosente yung mga bata tapos iba-bash nila. Hindi ko na lang ise-share kung iba-bash lang naman nila,” pakli ni Maja.

***

LEA KASAMA SA 4TH SEASON NG THE CLEANING LADY

KASAMA si Lea Salonga sa 4th seasons ng ‘The Cleaning Lady’ as a villainous guest star.

Kakaiba ang role ng Broadway actress.

Aniya, her role as ‘not so nice’ and undeniably ‘trouble.’

Ayon sa Tony Award-winning actress/singer, “It’s incredible. One, Southeast Asian leads, Southeast Asian female leads, and this is their fourth season?!”

As for her character, Salonga teased that she’ll be bringing a darker edge to the series.

“When you first meet her, you can’t put your finger on it. You don’t like her and she’s trouble,” wika niya.

Hirit pa ni Salonga, sa March 31, may apat pang Filipino artists ang masasama sa leading major Broadway productions, such as herself, Darren Criss, Nicole Scherzinger at Eva Noblezada.

“We’re here, we’re doing excellent work. It’s always the best foot forward. It’s always showing up whenever [there’s] space we occupy.”