Advertisers
Hitik at puno ng pagmamahal at suporta ng mga taga-Malabon kay Mayoral Candidate at current Congresswoman, Jaye Lacson-Noel , Cong.Bem Noel , for VM Angelika dela Cruz at buong team, ang #SerbisyongBuongPuso sa ginanap na Citywide Motorcade , Linggo ng umaga.
Sa pag-iikot sa buong lungsod ay ipinakita ng mga residente ang kanilang mainit na pagtanggap nang makita ang Team Serbisyong Buong Puso.
May mga kaniya-kaniyang dala ng mga sarling gawang mga placard at paconfetti pa para ipakita ang kanilang pagsuporta, paniniwala at pagmamahal.
“Until now, nakakapanindig-balahibo pa rin ang inyong mga sigaw, kaway, at pagngiti sa amin! Maraming maraming salamat po sa inyo. Mahal na mahal ko kayo, Malabon!” saad ng Kongresista sa kaniyang post. Si Lacson-Noel ay tumatakbo bilang Mayor na nangangako na bibigyan ng malinaw na plano ang lahat ng mamamayan at mahusay na direksyon at pagsasaayos ng Lungsod ng Malabon.( Beth Samson)