Advertisers

Advertisers

Cabinet officials ‘di dadalo sa 2nd Senate hearing ni Imee

0 10

Advertisers

HINDI sisiputin ng mga opisyal ng gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ikalawang imbestigasyon ng Senado kaugnay ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Imee, chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations matapos makatanggap siya ng official communication mula kay Executive Secretary Lucas Bersamin.

“I received a letter last night from the ES (Executive Secretary) saying that the [officials from the] Executive [department] would not be attending the hearing on April 3,” wika ng senadora.



“Nakakalungkot naman kasi alam ninyo maraming tanong pa rin. Bitin pa rin kasi preliminary report lang naman ang kinaya ko,” ayon pa sa presidential sister.

“Ang dami nga nagti-text, nagtatanong. And there are new information. So for the answers that are confusing, that do not match, the next hearing is a chance to answer the queries of our people,” giit niya.

“Sino ba ang dapat sundin? Hindi tugma ang sinasabi ni Executive Secretary Bersamin at ni Pangulong Marcos,” ani Imee.

Dagdag pa niya, hindi dapat magkaroon ng kalituhan sa pamahalaan pagdating sa usapin ng transparency at accountability.
“Hindi pwedeng may kanya-kanya silang desisyon. Para saan pa ang salita ng pangulo kung hindi naman pala nila susundin?” tanong ni Imee.

Sa gitna ng isyu, nananatili aniya ang tanong kung ang direktiba ba ng Pangulo ang masusunod, o kung may ibang kapangyarihang nagtatakda ng mga hakbang sa loob ng administrasyon.



Base sa liham na ipinadala ni Executive Secretary Lucas Bersamin kina Senadora Imee Marcos at Senate President Chiz Escudero, sinabi niyang nasagot na ng mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensiya ang mga katanungan at naibigay na rin ang lahat ng impormasyong hiningi ng mga miyembro ng Senate Committee on Foreign Relations noong Marso 20. (Mylene Alfonso)