Advertisers

Advertisers

Bong Go No. 1 sa Arkipelago Analytics senatorial survey

0 17

Advertisers

Patuloy si Senator Christopher “Bong” Go sa pangunguna sa karera ng mga tatakbong senador sa halalan sa Mayo, batay sa pinakabagong Arkipelago Analytics Senatorial Preferences Survey na isinagawa mula Marso 15 hanggang 21.

Nakamit ang 64 porsiyento ng mga botante, lalong tumibay si Go sa kanyang posisyon bilang nangungunang contender sa paparating na midterm elections. Si Go ay reeleksyonista sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino.

Ang decisive lead ni Senator Go sa Arkipelago poll ay bunga ng kanyang kasipagan sa trabaho at malalim na pakikipag-ugnayan sa mga nasa ibaba sa umpisa pa lamang ng kanyang termino sa Senado.



Kilala si Go sa kanyang direkta at “on-the-ground” approach na pagseserbisyo sa publiko kung kaya nakakuha siya ng malakas na suporta sa taumbayan sa buong bansa.

“Hindi ko kailanman inisip na pulitika ang magiging mundo ko, pero dahil sa tiwala ng taumbayan at gabay ni Tatay Digong, magseserbisyo ako sa kapwa Pilipino sa abot ng aking makakaya,” sabi ni Go hinggil sa mga natutuhan niya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa paglilingkod sa tao.

Binigyang-diin niya na ang kanyang trabaho sa Senado ay sumasalamin sa patuloy na misyon na ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga ordinaryong Pilipino, partikular ang pangangalaga sa kalusugan, kabataan, palakasan, edukasyon, pagtugon sa kalamidad, kabuhayan at paglikha ng trabaho, seguridad sa pagkain at agrikultura, gayundin para sa kapakanan ng mga migranteng manggagawa.

Ang Arkipelago Analytics survey results ay dagdag sa mga naunang tagumpay sa mga survey para sa senador.

Sa Pahayag 2025 First Quarter National Survey ng Publicus Asia Inc. na isinagawa mula Marso 15 hanggang 20, nanguna rin si Go na nakuha niyang 45 porsiyento sa aided preference category at unaided category na may 17 porsiyento.



Sa March 2025 na survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng Stratbase, nanguna rin siya sa nairehistrong 42 porsiyento mula 32 porsiyento noong Disyembre 2024 hanggang 38 porsiyento noong Pebrero 2025.

Pinangunahan din niya ang survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Pebrero 20 hanggang 26, kung saan nakakuha siya ng 58.1 porsiyento—isang malaking pagtaas mula sa kanyang 50.4 porsiyento noong Enero.

Sa kabila nito, nananatiling mapagkumbaba si Go sa pagsasabing ang kanyang mataas na numero ay isang paalala sa responsibilidad na kaakibat ng tiwala ng publiko.

“Para sa akin, ang survey ay paalala na kailangan mong balikan ng tunay na malasakit at serbisyo ang tiwala na ibinibigay ng taumbayan,” anang senador.

Sa ngayon ay nagpapatuloy si Senator Go sa pagbisita sa mga lokal na komunidad upang isulong ang mga hakbang na nakaangkla sa panlipunang proteksyon, access sa pangangalagang pangkalusugan, at direktang serbisyo.

“Asahan po ninyo na mangunguna din sa aking puso’t isipan ang pagbibigay ng serbisyong tunay na may malasakit. Patuloy kong isusulong ang pro-poor na mga batas at programa para ilapit ang serbisyong medikal sa ating mga kababayan lalo na sa mga mahihirap na pasyente,” paniniyak ni Go.