Advertisers
Isa sa matinding pagsubok sa liderato ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso noon ay hagupit ng pandemyang COVID-19 — na alam na alam ng katunggali niya na ngayon ay city mayor — na ang mga propagandista ay nagkakalat ng paninira, wagas sa kasinungalingan.
Ibinaon daw ni Yorme Isko sa utang ang gobyerno ng Maynila noong pandemya!
Teka, ang kalagayan ng lungsod, at ang buong bansa noon ay bagsak ang ekonomya, marami ang walang trabaho at ikabubuhay pero kailangan na patuloy na mabuhay — kumain at gawin ang dapat na gawin sa araw-araw, at ang pinakamabigat, paano ang paggamot sa nakamamatay na sakit na COVID-19.
Sa kabila ng krisis sa kabuhayan, walang nagutom sa Maynila, at ang pangakong ililigtas sa sakit at gutom ang Manilenyo, ginawa ni Yorme Isko na libo-libong pamilya, kahit hindi rtesidente ng Maynila ay nakinabang at nailigtas ang buhay.
Hindi biro ang hinarap na problema ni Yorme, at ang mga ito, saksi ang mga kalaban nito sa politika, nagawa ni Isko na mailigtas ang Manilenyo sa kuko ng kagutuman at kamatayan.
Saksi ang mayora ngayon na sa mahigit na tatlong buwan, ginawa nang bahay ni Isko ang cityhall upang kahit ano’ng oras, ano’ng emergency, agad-agad niyang masosolusyonan ang problema, hinaing at pangangailangan ng mga mamamayan.
Ito pa ang kamangha-mangha: nang mapanatag na ang buhay at kabuhayan ng Batang Maynila sa panahon ng pandemya, nagawa pa ni Isko na tumulong sa ibang LGUs na kulang sa gamot, kulang sa pagkain, at tumulong siya sa mga alkalde na maisaayos ang problema na dala ng pandemya.
Kaya nga, at ito ang totoo, noon sa social media, ano ang naging request ng mamamayan ng ibang lokalidad?
Kung pwede raw mahiram muna nila — na pansamantala –, si Yorme muna ang kanilang mayor, at ito ay patunay, napaka-efficient, napaka-epektibo ang ginawang hakbang at solusyon ni Isko sa panahon ng pandemya.
Kaya nga, ngayong eleksiyon, mas bilib, mas may tiwala ang mga botanteng Manilenyo kay Isko, at ang mga supporter ng mga katunggali, ngayong malapit na ang botohan mismo, mabilis na umaakit, mas dumadami ang hukbo ng kanyang mga botante.
Kasi, hindi boladas, hindi pangako lamang ang kaya ni Yorme Isko sa inilalahad niyang platform of government, kasi may mga patunay na, may nangyari na, may natupad na noon pang unang termino bilang alkalde ng Maynila.
Kaya nga, pati ang mga political surveys ay nagpapatotoo, na mas excited ang kampanya ng Yorme’s Choice, at kita ang mabilis na pagtaas ng mga numero, at tiyak sa Mayo, itatatak na ang kanyang panalo sa balota.
Noong pandemya, matapos na masolusyonan ang kagutuman, ano ang isinunod at ginawa pa ni Yorme Isko?
Pabahay or In-city vertical housing projects — Tondominium 1 & 2, Binondominium, Basecommunity, San Sebastian at San Lazaro Residences, tapos may Pedro Gil Residences pa, etc..
Saksi ang lagaslas ng luha sa matinding tuwa ng mga dating iskwater nang mabigyan sila ng sariling condo unit, aba naman, ang pangarap nila noon ay hindi pangarap, totoo na ngayon.
Yung may mga pasyente sa labas ng Maynila, bukas pusong tinanggap, ginamot at nailigtas ang buhay sa COVID Field Hospital sa Luneta at sa iba pang public hospital — at ang utos noon ni Yorme Isko, walang tatanggihan, lahat gagamutin, lahat ililigtas.
Opo, ating uulitin, walang nagutom na Batang Maynila noong kabagsikan ng pandemya, at alam ito ng mga katunggali ni Yorme, kasi sila mismo ang naging mga saksi — at tumulong pa nga para maihatid ang libo-libong kahon ng pagkain, bitamina at iba pang pandugtong buhay.
Walang income ang Maynila, natural kailangang umutang, at ito ang ginastos sa mga food boxes sa Manilenyo.
Sa isang food box na ang halaga ay P1000 times 700K na pamilya, ito ay aabot na sa P700 millions.
E umabot ang tulong na ito sa loob ng walong (8) buwan, at ito ay nasa P5.6 billions.
Ang libo-libong pamilyang ito na nailigtas sa panahon ng kagutuman noong hagupit ng pandemyang COVID-19 ay hindi malilimot ang mabilis na aksiyon ni Yorme Isko na nagligtas sa kanilang mga anak!
Tatak ni Isko ang sariling “Build, Build, Build Project” kahit may pandemya na nagbigay ng libo-libong trabaho at hanapbuhay sa Manilenyo.
Naiseguro ni Yorme ang kaligtasan ng Maynila noong pandemya, e ngayong walang pandemya, ano ang pwedeng asahan kung sa Hunyo, si Yorme Isko, si Ate Chi-Chi Atienza na, at ang Yorme’s Choice ang nasa timon ng gobyerno ng Maynila.
Ngayon pa lamang ay excited na ang marami, kung baga sa pagkain, nakatatakam na ang inihahanda ni Yorme Isko para sa pagbabagong anyo ng Maynila.
Tiyak maging ang mga negosyante, excited na rin kasi mawawala ang Red Tape, bibilis ang proseso ng transaksiyon sa negosyo.
Excited din ang mga estudyante, kasi, mabibigyan uli sila ng edukasyong de kalidad, madaragdagan na naman ang mga classroom na de aircon pa, libreng gadgets, may wifi pa, may ayuda pa.
Bibilis uli ang digital transaction sa cityhall at lahat ng ahensiya sa Maynila, kasi si Yorme, tiwala na sa mundo ngayon, sa lahat ng aspeto ng negosyo, transaksiyon, human settlement, maging sa health, mahalagang gamit ito sa buhay ng tao.
Ang pangakong Bagong Maynila, darating na sa Mayo 12, at kasama ang Batang Maynila sa araw na iyon!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.