Advertisers

Advertisers

Babala sa OFWs: Duterte green t-shirt ban na sa HongKong

0 5,877

Advertisers

MAHIGPIT nang ipinagbabawal sa HongKong ang pagsusuot ng green t-shirt na may naka-print ng Duterte at kinompronta narin ang mga nagrarali para sa dating pangulo ng Pilipinas na nakakulong ngayon sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong ‘Crimes Against Humanity’ na nakasampa sa International Criminal Court (ICC).

Kasunod ito sa pag-aresto sa 19 overseas Filipino workers (OFWs) sa Qatar na nagsagawa ng rali noong 80th birthday ni Duterte.

Ayon sa Palasyo ng Malakanyang, pinalaya na ang tatlo sa mga naarestong Pinoy dahil sa pagiging menor de edad na inosente sa ginawang rali ng nakakatandang OFWs.



Sinisikap ngayon ng gobiernong Marcos na mapalaya rin ang 16 pang OFWs.

Mahigpit na ipinagbabawal sa Qatar ang mga political rally. Ito’y may parusang tatlong taon pataas at malaking multa. Talagang ‘zero remittance’ kayo ‘pag nakulong. Kawawa lang ang inyong pamilya sa Pilipinas na umaasa sa inyo. Mismo!

Ipinaaalala sa OFWs na sila’y nandoon sa ibang bansa para magtrabaho para sa kinabukasan ng mga anak, hindi ang makilahok sa mga isyu sa politika. Opo!

Bawat bansa ay may kanya-kanyang batas. Dapat itong sundin ng OFWs kundi ay malamang na mabulok kayo sa bilangguan.

Hindi natin dapat iniidolo ang mga politiko na utak-kriminal, ubod ng sinungaling, palamura na pati Diyos ay binababoy, barkada ng drug lords at konsintidor sa mga magnanakaw niyang kaalyado.



Dapat tandaan: Wala tayong utang na loob sa kahit sinong politiko. Dahil mandato trabaho nila ang maglingkod sa mamamayan. Kumandidato sila, nangako sila ng mga programa sa atin, ibinoto natin sila, dapat lang na gawin nila ang mga inilatag nilang programa noong nangangampanya sila. That’s it!

Tandaan: Ang mga ginagastos ng politiko sa kanilang mga proyekto o programa ay pera nating lahat na pinag-ambag-ambagan. Taxpayers money po yan. Opo! Huwag natin sabihin na wala naman tayong trabaho at hindi nagbabayad ng tax. Mali! Kahit wala kang trabaho pero ang mga binibili ninyo sa tindahan ito ay may tax (value added tax), ang mga binabayaran natin sa munisipyo ay napupunta sa gobierno at ito ang sinusuweldo ng mga manggagawa kasama ang politiko, at ito rin ang ginagamit ng mga politiko sa pagpatupad ng mga proyekto at sa mga ayuda.

Ibig sabihin ko… lahat ng ginagastos ng gobierno sa mga proyekto ay pera nating lahat. Kaya wala tayong utang na loob kahit sa sinong politiko. Okey?

Again, hayaan natin si Duterte na managot sa mga ginawa niyang pang-aabuso at kasalanan sa sangkatauhan. Ang mga ginawa niya ay hindi para sa mamamayan kundi para lamang sumikat siya at sambahin siya.

Tandaan: Walang forever sa power and no one is above the law. Period!!!

***

Fourty days nalang eleksyon na! Sana magboto tayo ng mga karapat-dapat sa puwesto, yung may malaking puso para maglingkod sa mamamayan, hindi yunhg porke’t sikat ay iboboto natin. Tingnan natin ang kakayahan ng mga kandidato, at tigilan na ang politikang kwarta-kwarta. God bless us all…