Advertisers

Advertisers

Abangan: ang pagkinang ng bituin ni Keisha Luiz

0 11

Advertisers

Ni Blessie Cirera

VERY fresh pa sa edad na 16 pero kung pagbabasehan ang performance sa stage at ang kanyang boses ay tila beterano na ang magandang dalagitang si Keisha Luiz.

Nasaksihan natin ang husay sa pag-awit ni Keisa nang maging panauhin siya sa pa-audition ng EBQ Music Production sa mga nais na maging recording artists. Ipinakita ni Keisha sa madla ang kakayahan niya sa pag-awit na lubhang nakaagaw ng atensyon sa lahat.



Maliban kay Keisha, nasa Lucky Gold Plaza sa Ortigas Ext., Rosario, Pasig na venue ng audition ang ilang EBQ Scholars na sina Lindsay Bolanos, Jheo Vestidas at Jimwen Sumanda na pinamamahalaan ng mag-asawang Nick at Evie Quintua.
Nsa Grade 10 ngayon si Keisha sa Apec Schools at sinabi niyang ang mga paborito niyang singers ay sina Kitchie Nadal na kapwa niya mahilig sa paggigitara at Avril Lavigne.

Kung sakaling papasukin anya niya ang pag-arte, ayaw raw niyang magkaroon ng kalabtim at mas type niya na solo na lang siya lalo pa’t ang nais niyang gawin ay action film.

Sa kanyang upcoming album, may mga kanta na siyang natapos na published at distributed by PolyEast Records

Ang mga naturang awitin ay Himig Pagmamahal, Ulap, Dapat Lang at Wala Na Ang Himig.

Sa ganda at husay umawit ni Keisha, hindi malayong kilalanin siyang isa sa magagaling na batang manganganta sa bagong henerasyon.