Advertisers
PAANO si Robin sa 2028? Ito ang pambungad na tanong ng isang netizen ng nabasa ang aming kolum tungkol sa napipintong bakbakan ni Tsis at Bong Go upang kunin ang basbas ng isinusukang pwersang na naiwanan ni Gongdi. Kinakatawan umano ni Robin ang mga botanteng tinakasan ng ulirat at kaunting dunong at handa silang ihalal ang kamukha nilang tanga, aniya.
Kinakatawan ni Tsis at Robin ang magkabilang mukha ng pulitika sa bansa. Oportunista si Tsis pagdating sa pulitika niya. Likas na tuso at gagamitin ang lahat makamit lang ang gusto niya. Matagal na niyang pangarap ang panguluhan. Naudlot lang ng sulsulan niya si Grace Poe at minabuti na tumakbong bise presidente ni Grace noong 2016. Pareho silang natalo ng ganap
Tumakbong senador si Robin noong 2022 dahil sa matinding sulsol ni Gongdi. Todo ang suporta sa kanya ng grupong Inferior Davao at kahit siya ay nagulat ng namayani at naging topnotcher pa. Walang makapagsabi kung totoo siya ang nanguna, ngunit nakikita ang kamay ni Gongdi upang maging No. 1 siya sa halalan. Pero wala siyang ipinakita sa Senado kundi kamangmangan, katangahan, at kagaguhan. Siya ang walang itinatagong galing sa lahat-lahat.
May angking talino si Tsis kung ihahambing kay Robin. Nagtapos si Tsis ng abogasya sa University of the Philippines, ang pangunahing pamantasan sa bansa. Kahit paano inukit niya sa isip ng publiko ang imahe ng isang mahusay na mambabatas. Ngunit siya ang taong gagawin ang lahat manalo lang. Walang moral ang pulitika ni Tsis. Hindi siya nag-atubiling dumikit sa China upang siya ang manukin sa 2028.
Dumikit siya sa pamilya ni Gongdi at gagawin ang lahat ilusot lang si Misfit Sara. Ngunit hindi pabor ang kasaysayan kay Misfit Sara. Gustuhin man o hindi ni Tsis, masisibak si Misfit Sara sa poder sa sandaling magpulong ang Senado bilang impeachment court at litisin siya. May sapat na katibayan ang mga tagausig mula sa Camara de Representante.
Ito ang dahilan kung bakit sumusuporta siya kay Misfit Sara. Nais niya na kunin ang suporta ng mga sumusuporta sa mga Duterte at siempre, China. Daloy ng walang tigil ang suportang pinansyal sa kanya sa 2028. Kung ngingiti ang suwerte sa kanya, baka siya ang president s 2028. Ngunit hindi siya nakakasiguro kung susuportahan nga siya ng pamilya ni Misfit Sar.
Naghihintay lang si Robin at kukunin ang pagkakataon kung sasabit si Bong Go na nakamata rin sa panguluhan tulad ni Misfit Sara. Alam ni Tsis na hindi papayag na si Bong Go ang kandidato ng sindikatong Davao City. Magkalaban mortal si Bong Go at Misfit Sara sa pulitika sa Davao City. Hindi pumayag si Bong Go na napailalim kay Misfit Sara. Hindi rin pumayag na si Bong Go ang mamayagpag sa sindikatong Davao City.
Tingnan natin ang tanawing katatawanan sa pulitika ng apat – Tsis, Bong Go, Robin, at Misfit Sara. Ang masakit ay walang itulak sipain sa kanila. Walang magaling at walang itinagong galing kahit katiting para sa ikabubuti ng bansa. Mga pipitsugin at patapon at marapat lang itapon sa basurahan ng kasaysayan.
***
MGA TANGA, mangmang, at istupido – ito ang hayagang taguri sa mga tagasuporta ng nakakulong na dating presidente ng bansa na si Gongdi. Bakit nga ba? Nagkalat ang mga tagasuporta ni Gongdi sa halos lahat ng bansa sa buong mundo. Hindi siya nangiming ipakita ang kanilang labis na katangahan at kamangmangan sa kanilang rali bilang pagsuporta kay Gongdi sa iba’t ibang bansa. Ang akala ay makakalusot si Gongdi sa pananagutan ng malawakan at maramihang pagpatay ng mga pinaghihinalaang may kaugnayan sa droga.
Sa Qatar, hinuli at ikinulong ang 17 Pinoy na nagdaos kamakailan ng rali ng suporta kay Gongdi. Ang buong akala ng mga tanga, uubra ang ganyan doon. Ang hindi alam, mahigpit ang gobyerno ng Qatar sa mga ganyang mass action lalo na kung panahon ng Ramadan na sagrado sa mga Muslim. Ang nakakatawa at masakit ay sa gobyerno ni BBM hihingi ng tulong ang mga hunghang at pinagtampuhan ng kahit kaunting dunong. Nahaharap sa kulong, malaking multa, at deportation ang mga nagrali. Hindi kasi sila nag-iisip sa sasapitin.
Sa Singapore, nagdaos rin ng rali ang mga Pinoy na DH doon. Ang hindi nila alam police state ang Singapore. Mahigpit sila sa mga ganyang rali. Nagpakuha pa sila ng larawan at ipinaskel sa isinusukang SMNI. Ang hindi sila alam, sila ang naglagay ng lubid na bibigti sa kanilang leeg. May makabagong teknolohiya ang Singapore sa facial recognition. Hindi nila maitatago ang kanilang pagkakakilanlan (identity) sa gobyerno ng Singapore.
Nagbabala na ang gobyerno ng Olandes laban sa rali ng mga pro-Gongdi sa lugar na malapit sa piitan ni Gongdi. Sinabihan na para sa picnic ang pinagdausan ng rali; hindi iyon sa anumang political action. Kung hindi sila titigil, malamang na hulihin sila at kanselahin ang kanilang Schengen visa. May 29 kasaping bansa ang Schengen Visa Protocol, ayon sa ulat. Kapag kinansela ang kanilang visa, hindi sila makakapasok sa anumang kasaping bansa at malamang na ipatapon sila. Saan sila pupunta? Ito ang tanong sa kanila.
Pwede sila sa Siberia, ang bahagi ng Rusya na nakikipagdigmaan ngayon s Ukraine. Itinuturing na pinakamalamig na lugar sa buong mundo. Hindi sila pwede sa Greenland dahil bahagi ito ng Denmark na isa sa mga kasaping bansa ng Schengen Visa Protocol. Wala silang magagawa kung umuwi na lang sa Filipinas.
***
SAMANTALA, napagtanto ni Gongdi na napakalaking katangahan at kalokohan ang pagsuporta ng kayang tagahanga. Kaya ang payo niya sa kanila: TUMIGIL NA KAYO, PLEASE. Katawa-tawa at kahindik-hindik. Alam na niya na tulak sa bangin ang pagsuporta sa kanya.