Advertisers

Advertisers

SUGAR UMAMIN, 7 TAON NAGING KARELASYON SI KUYA WIL

0 31

Advertisers

Ni Beth Gelena

SA panayam ni Ogie Diaz kay Sugar Mercado, inamin niyang 7 taon umano silang naging magkarelasyon ni Willie Revillame, na tumatakbong Senador ngayong 2025 eleksyon.

Aniya, hindi raw siya sure kung aaminin din ito ng TV host.



“Hindi ako sure (laugh). Hindi naman siya umamin eh (laugh). Ang kapal naman ng mukha ko kung aamin ako, hindi naman siya umamin di’ba? Edi hindi ako sure. Di’ba, mamaya nag-bonding lang kami.”

Klinaro nang husto ni Ogie kung totoo ngang 7 years ang naging relasyon nila?

“Oo. Hindi kasi siyempre nakakahiya naman kung ako lang yung ano [aamin] di’ba? Siyempre kababae kong tao, hindi ako mukhang babae. Siyempre may heart din ako.”

“Alam mo naman siya pribado siya masyado and sabi ko nga never ako nagsisi sa lahat ng nangyari sa life ko,. At aminado rin naman ako na minahal ko talaga ‘yung tao. Nang sobra pa.”

Tanong uli ni OD, kungs naramdaman ba niya na minahal din siya ni Kuya Wil?



“Oo naman.”

Tumatakbong Senador ngayon ang TV host.

Sa isang panayam kay Kuya Wil, nag-decdie umano siyang tumakbo ay last minute na.

He expressed his thoughts on the things that his critics are throwing at him.

Ang lagi raw niyang naririnig sa mga tao, “Ay ang wala siyang alam.’

Instead of feeling down, he turned the tables and made a positive note about “not knowing anything.”

Sana don’t judge a book by it’s cover.

Kilala ang TV host na maraming taong natutulungan sa kanyang programa.

Katunayan, bilang isang independent senatorial candidate pasok ang kanyang pangalan sa survey ng Magic 12.

***

ELISSE HiNDi NAGPADOBOL SA PANG-AABUSO NI JHONG

SI Elisse Joson ang gumanap na young Tindeng, ang karakter ni Charo Santos sa Batang Quiapo.

Sa isang interbyu kay Elisse, may nagtanong kung challenging ba para sa kanya to portray young Tindeng?

“Siyempre nakakakaba to play a young Ma’am Charo Santos,” ani Elisse.

“I just hope I’ve given it justice,” Elisse said, before hinting that there’s still more to uncover in Tindeng’s backstory.

Hirit pa ni Elisse, “Since alam ko na ‘yung present niya, it helps a lot na alam ko kung nasaan na ang future Tindeng—’yung future ng character ko.”

Mas lalo raw niyang pinag-aaralan ang karakter ni Tindeng.

“Prior to shooting, nanood ako ng mga previous episodes that showed ‘yung mga distinct emotions ni Tindeng, kung kailan siya masaya, paano siya ‘pag galit, paano ‘yung kilig, meron din kasing slight love story si Tindeng,” shared Elisse. ‘Yun ang mga inaral ko… pinanood ko.”

May eksenang inabuso si Elisse ni Jhong Hilario, ang young Mayor Gustavo Guerrero (Dante Rivero).

Bilib siya kay Jhong dahil hindi ito nag-take advantage sa pang-aabuso sa kanya.

“He was very careful. Nakakatuwa lang kasi, on screen, it looks parang grabe pero while doing it, everything was done na lahat naging careful sa isa’t isa.”

Dapat daw ay ido-double ang delicate scenes, but she got so caught up in the moment that the momentum just carried her through.

“Pagkatapos, para akong nag-workout sa sobrang pagod,” pakli ng aktres.

.***

ROBIN VIRAL ANG PAGKISS SA NETIZEN SA NETHERLANDS

NAHULI sa isang video si Senator Robin Padilla habang siya ay nasa Netherlands as he was caught apparently kissing an OFW.

Kilalang masugid na taga-suporta ang aktor-politiko ni dating Presidente Rodrigo Duterte na nasa The Hague, Netherlands dahil sa kinakaharap nitong International Criminal Court sa alegasyong crimes against humanity because of his controversial drug war. Pumunta ang aktor-senador sa Netherlands para suportahan si FPRD.

Habang nakikipag-mingle ang aktor sa mga Pinoy na naroroon ay nakuhanan ng picture ang grupo.

A woman beside him took a selfie, and it appeared that he kissed her.

“Robin Padilla may kakiss sa Netherlands,” caption sa ibinahaging TikTok post.

Isa pang caption ang nakasulat, “Nilamig sobra si senator Robin [Padillia] hahaha.”