Advertisers

Advertisers

Richard aminadong niligawan si Lea; Takot kay Regine

0 9

Advertisers

Ni Archie Liao

MASAYA ang naging tsikahan nina Richard Reynoso at Boy Abunda nang maging panauhin ang singer sa programang Fast Talk ng multi-awarded TV host.

Kasama si Rannie Raymundo, napag-usapan nila ang tungkol sa kanilang grupong The OPM Hitmen na kinabibilangan din nina Chad Borja at Renz Verano.



Ani Richard, si Chad daw na kilalang tahimik ang source ng lahat ng kanilang gags at punchlines kapag magpe-perform sila sa kanilang shows.

Saludo naman siya sa pagiging madiskarte ni Renz na aniya’y may hawak ng pondo ng grupo.

Sey pa niya, pagdating daw sa kung sino ang pinakaguwapo sa grupo ay hindi nila pinag-uusapan para walang away.

Sa kanyang pagbabalik-tanaw, hindi raw originally para sa kanya ang hit song na “Paminsan Minsan”.

Noong naghahanap daw siya ng materyal para sa kanyang album, inihain daw sa kanya ito ng kilalang composer na si Aaron Paul kaso nagkaroon daw ng problema sa negosasyon.



Nabili raw ito ng isang musikero kaso kalahati lang ang ibinayad dito.

Noong magkita raw naman sila ng nasabing musikero, sinabi nito sa kanya na di gagamitin ang komposisyon dahil hindi bagay sa gagawing album ng singer.

Blessing in disguise na napunta raw sa kanya ang song na naging hit at na-identify sa kanya.

Malaki raw ang nagawa ng nabanggit na awitin sa kanyang karera dahil na-legitimize nito ang estado niya bilang hitmaker.

Sa naturang tsikahan, inamin din niya na niligawan niya ang Broadway diva na si Lea Salonga.

Gayunpaman, noong nakatakda na raw niyang gawin ang next big step sa panunuyo rito, medyo nadiskaril daw ang kanyang diskarte.

Na-misquote raw siya sa isang interview na naglagay sa alanganin sa friendship nila ng Tony award-winning actress.

Hindi rin niya ikinaila na takot siya sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Kilala raw kasi ang misis ni Ogie Alcasid sa malawak na vocal range nito na para sa kanya ay mahirap sabayan kung magdu-duet sila.

Bukod sa pagiging magaling na singer at OPM hitmaker, si Richard ay kasalukuyang board member ng Movie and Television Review and Classification Board sa pamumuno ni Chairman Lala Sotto-Antonio.

Isinusulong niya ang kampanya ng matalinong panonood ng naturang ahensya.