Advertisers

Advertisers

Rapist ng menor-de-edad, huli sa Malabon

0 34

Advertisers

Pasok sa selda ang isang construction worker na akusado sa kasong statutory rape nang maaresto sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City.

Ikinasa ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang pagtugis sa 27-anyos na akusado na kabilang sa mga Most Wanted Persons sa Antipolo City nang makatanggap ng impormasyon na nagtatago ito sa Malabon.

Sa report, 5:30 ng hapon nang tuluyang makorner ng mga operatiba ng DSOU ang akusado sa kanyang tinutuluyan sa Brgy. Longos ng lungsod.



Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape under Paragraph 1D, Article 266-A of the Revised Penal Code (RPC), as amended by Republic Act 8353, in relation to Section 5(A) of Republic Act 8369 na inisyu ni Presiding Judge Monica Cecilia F. Almeda-De Mata, ng RTC Branch 72, Antipolo City, Rizal.

Walang inirekomenda ang korte na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado na ipiniit muna sa Custodial Facility Unit ng NPD habang hinihintay ang utos ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Antipolo City Jail.(Beth Samson)